CHAPTER 39

2.5K 36 11
                                    

Grae



Habang tinatahak namin ang pasilyo papunta sa conference room, hindi maiwasang kabahan ako ng sobra. Kinakalma ko lamang ang aking sarili dahil ayokong makagawa ng mga bagay na hindi napag-iisipan. I want to face her now. I want to settle everything for the sake of our peace of mind.

Huminto kami ni Alfie sa harap ng two-door conference room. Sandali niya akong pinagmasdan. Mahigpit ang hawak niya sa akin, walang balak na pakawalan ako o kahit magkaroon lamang ng distansya sa pagitan naming dalawa.

"Nandito na tayo. Huwag ka ng magdalawang-isip." Pangungumbinsi ko sa kanya.

He sighed and shook his head once. "One wrong move from her, Grae. I'm gonna put her to where she belongs."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Seryoso siya sa kanyang mga sinabi. Hindi ko nga lang sinagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin.

Pagpasok namin sa conference room, nakita namin sa kaliwang bahagi ng mesa si Venice. Nakaupo siya sa swivel chair habang may isang baso ng tubig malapit sa kanya. Nakatukod ang kanyang mga siko sa mesa habang magkahugpong ang kanyang mga daliri. When our eyes met, mabilis siyang napatayo.

She didn't change at all. Ganoon pa rin ang pormahan niyang pang-mayaman. She became more beautiful. Maganda na siya noong una ko siyang makilala. She can even pass as a beauty queen. Babaeng-babae. Very elegant.

Lumapit kami sa conference table. Lalapit pa sana ako, halos isipin kong tabihan siya pero pinigilan ko ni Alfie sa aking braso. Napabaling ako roon bago nag-angat ng tingin sa kanya. He shook his head and pulled a swivel chair few meters away from her.

Akala ko ba mag-uusap? Bakit malayo kami sa kausap? Magkakaintindihan ba kami nito?

Sunud-sunuran ako sa kanya. Tinanggap ko ang upuang iminuwestra niya sa akin at naupo na roon. Tinabihan niya ako at nang makaupo ng maayos, binalingan namin si Venice.

Nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa mga kamay naming magkahugpong. Nakapatong iyon sa mesa. She's particularly looking at my ring finger, kung saan ko isinuot ang engagement ring at ang wedding ring ko.

She gulped and lifted her eyes on ours. Bumalatay ang sakit sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng awa sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Iniisip niya sigurong...siya dapat ang nasa posisyon ko dahil silang dalawa ang naipangako sa isa't-isa. Pinanghawakan niya at umasa siya sa pangakong iyon.

Kung sa akin siguro nangyari 'yon, masasaktan talaga ako ng sobra. Mahal niya si Alfie. I can't blame her. Desperation overruled her mind. Ganoon naman ang desperasyon. Nagiging tama ang mali dahil nagiging kailangan ito sa paningin ng tao. Kahit mali, gagawing tama. Kahit baluktot, pilit niyang itutuwid.

"Talk." Walang ka-abug-abog na sabi ni Alfie sa kanya.

Napalunok siya ng umalingawngaw ang boses ni Alfie sa loob ng silid na ito. His voice is cold and emotionless. May himig iyon ng pagbabala. I sighed. Humarap nga kami sa kanya pero tingin ko masisindak lang ang kausap namin kung ganito ang pakikitungo niya sa kanya.

Marahan kong pinisil ang kamay ni Alfie. Napansin niya iyon kaya binalingan niya ako. I smiled sparingly and nodded at him. Kung siya'y kaya akong kalmahin, walang tanong na kaya kong gawin iyon sa kanya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang tainga at bumulong.

"Calm down. She might not be able to talk properly if you keep doing that." Paalala ko sa kanya.

Nakataas ang kilay niya nang magtama ang mga mata namin. Sandali naming sinulyapan si Venice bago kami muling nagkatinginin. He pressed his lips into thin line and nodded at me.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon