CHAPTER 25

2.6K 32 5
                                    

Grae


Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa paningin ko ang puting kisame habang ramdam ko ang malamig na temperatura sa aking balat. I looked around, trying to adjust my eyesight. Naramdaman ko ring may nakakabit na bagay sa kaliwang kamay ko. I tried my best to check on it but I am too tired to raise my hand. Pinilit kong ipilig ang ulo ko para makita iyon at hindi ako nagkamali dahil may nakakabit na swero roon. My whole body is sore, too.

Then, I realized, I am in a hospital.

Pinilit kong alalahanin ang mga huling nangyari pero inuunahan ako ng sakit sa ulo. Na sa tuwing itinutulak ko ang sariling isipin at pagtagpi-tagpihin ang mga huling memorya ko, mas lalo akong nanghihina.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Alfie, kasama ang doktor ko. He looked tired and weary. Malamlam ang kanyang mga mata nang salubungin niya ang tingin ko. Ngunit ng bigla akong kumilos para bumangon, agad niya akong dinaluhan.

"How are you feeling, honey?" Iyon agad ang bungad niya sa akin. Naupo siya sa bakanteng silya sa kanang bahagi ng kama ko. Hinawakan niya ako sa aking kamay habang ang isa naman ay marahang hinahaplos ang aking ulo.

I smiled a bit. I wanted to touch his face but too weak to do it.

"I feel tired. I'm sore all over." Namamaos kong sagot sa kanya.

He sighed. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. I can sense that something is wrong in here.

"Mrs. Villanueva..." tawag sa akin ng doktor.

Lumipat ang tingin ko sa kanya. She gave me an impassive look. Hindi ko mawari kung ano'ng nangyayari. I am fine, right? My baby is fine.

My free hand unconsciously landed on my lower abdomen. Pinapakiramdam ko ang maliit pang umbok ko. It's still there but...not as firm as before.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naiisip. No. This can't be.

"What happened, Doc?" Taranta kong tanong sa kanya.

Nilingon ko rin si Alfie. Bigla akong nilukuban ng matinding pag-aalala. Bumundol ang malakas na kaba sa dibdib ko. Pinilit ko ulit alalahanin ang mga huling nangyari bago ako napunta rito. And as fast as a lightning flash, dumaan ang isang alaala.

Nagtatalo kami ni Alfie sa condo niya. The pain struck my whole body. Then, I felt hot liquids dripping between my thighs.

I bled.

"Mrs. Villanueva, I'm sorry---"

Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.

"Hindi ko kailangan ng sorry! Sabihin niyo sa akin kung ano ang nangyari!" mataas ang boses kong sagot sa kanya.

Napatda ang doktora sa inasal ko. I don't talk to her like this before. Maayos akong kausap. I deal with matters with respect and professionalism. Pero hindi ako makalma ng mga salita niya ngayon.

Sa kabang nararamdaman ko, I felt gaining a little strength. Naging mabilis ang pag-iisip at kilos ko. Kahit nangangalay pa ang katawan, pinilit kong bumangon.

I have to be certain. I have to know if my baby is fine.

"Grae, calm down, please. Makakasama sa'yo 'yan."

Bumaling ako sa kanya at saka bumilis ang paghinga ko. I looked at him with full interdiction for telling me to calm down. Hindi ako makakalma ng mga ganitong salita. Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko.

Magsasalita sana ako ulit nang biglang magsalita ang doktor sa tabi ko.

"I'm sorry, Mrs. Villanueva but you had miscarriage." She finally said in a low, disheartened voice.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon