CHAPTER 22

2.8K 38 6
                                    

Grae


Nagising akong may pumupupog ng mga halik sa mukha ko. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng taong na nasa aking tabi. Antok man at hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko, alam ko na kung sino iyon.

"Sorry for waking you up, hon. I just missed you so much." He said huskily. Muli niyang hinalikan ang pisngi at labi ko hanggang bumaba iyon sa leeg ko.

"Hmmm." I groaned.

He softly chuckled. Niyakap niya ako at pumirmi ang mukha niya sa aking leeg.

"I'm sorry. I came home late." he said.

Dumilat ako. Dahil inaantok pa, pinilit ko ang aking mga mata na mag-adjust sa paligid. Dim na ang ilaw sa kwarto namin pero kita ko pa rin ang kabuuan no'n. I equaled his warm embrace, causing him to hold me a little tighter. Hinaplos at pinaglaruan ko ang kanyang buhok. I heard him groan and settled on my shoulder.

Nakatulog akong masama ang loob sa kanya. Pakiramdam ko nga, namumugto pa ang mga mata ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi no'n. Pero sa isang halik at yakap lang niya, napapawi niya ang lahat ng iyon.

I sighed deeply. Napansin niya ang pagbuntung-hininga ko kaya naramdaman ko ang pag-angat ng ulo niya para tingnan ako. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago ko napansin ang pagkunot ng noo niya.

Hinaplos niya ang mga mata ko. Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang bawat haplos niya roon. Medyo mahapdi pa iyon dahil sa matinding pag-iyak. Umayos siya ng pagkakahiga, towering me now.

"Did my baby cry?"

I opened my eyes again and smiled a bit to assure that I'm fine. Mataman niya akong tinitingnan. Tila naghahanap ng kasagutan sa sarili niyang tanong.

I kissed him tenderly. Pinilit ko ang sariling maging okay sa harapan niya pero sa huli, hindi ko kinaya ang bigat ng kalooban. Namuo muli ang mga luha sa mga mata ko na kalaunan ay sunud-sunod na bumagsak sa gilid ng aking mukha. Some of it landed on his face. Kaya ng maramdaman niya iyon ay inihiwalay niya ang sarili sa akin.

"Why are you crying? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Masakit ang puso ko, Alfie.

Pero hindi ko na iyon isinatinig pa.

Umiling ako. Pinahid ko ang mga luhang bumagsak sa kanyang mukha at saka ngumiti. He looked worried now. Nag-iisip na siguro ito kung ano'ng posibleng dahilan ng pag-iyak ko.

"May nang-away ba sa'yo?" madiin na tanong niya ngayon sa akin.

I chuckled and shook my head again. Tumulo ulit ang masaganang luha sa aking mga mata. Pinahid niya iyon gamit ang kanyang mga palad. His warm touches never failed to make me feel so comfortable.

Kaya siguro kahit ano'ng bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga tumatakbo sa isip ko nitong mga nakaraang araw, gumiginhawa ako.

Hinampas ko ng mahina ang kanyang dibdib at saka lalong nangiti sa sinabi niya, hiding all my pain from my smiles.

"Na-miss lang din kita, hon. Ilanga raw akong walang katabi sa pagtulog. Hindi na ako s-sanay 'pag wala ka."

Pero imbes na magsalita muli, lalo niya lamang ako tinitigan ng mabuti. I looked at his wonderful eyes. Ito ang una kong nagustuhan sa kanya. Malamlam iyon, na kahit gaano siya kaseryoso at kaistrikto, agad mapapansin ang pagiging malambot nito kapag tinititigan mo.

"C-Can you say it again?"

Nangunot ang noo ko. "Ang alin?"

"Did you just call me 'hon'?"

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon