CHAPTER 7

4.2K 61 14
                                    

Grae


Tiningnan ko ang mga gamit sa working table ko. Kumpleto talaga. May nakita akong bagong planner. Wala pang ka-sulat sulat. I wrote my name in the upper right corner of the first page.

I turned on the computer, too. Kahit Nursing ang tinapos ko, maalam din ako sa pag-gamit nito. Bago ako naging president ng student body sa university namin noon, dumaan ako sa pagiging sekretarya. Kaya kahit papaano, kaya ko rin maging sekretarya ni Alfie rito sa opisina niya. Proper orientation at training lang ang kailangan ko.

Mukhang bago rin itong computer dahil wala pang files na naka-save dito. Tiningnan ko ang calendar of activities. Ayun! May mga notes. Inisa-isa kong basahin ang mga nakasulat doon. Karamihan doon ay shareholder's meeting. Pero pagbuklat ko sa pangatlong buwan, nakuha ng atensyon ko ang isang date na naka-highlight doon.

SVN's company anniversary.

Baka malaking selebrasyon iyon. May party! Tinuloy ko ang pagbabasa ko nang biglang may pumasok sa loob. Medyo tinubuan ako ng kaba at mabilis akong nag-angat ng tingin para makita kung sino iyon but when I saw that it was Harold, medyo nakaramdam ako ng relief.

"Miss Grae, kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin." Magalang na sabi niya.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Actually, meron."

"Ano iyon, Miss?"

Tiningnan ko ang working table ko bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Pwede mo ba akong turuan sa mga trabaho rito? I mean... sekretarya rin kasi ako ni Alfie."

Tumango siya. "Pero Miss Grae, wala kasi siyang ibinilin sa akin na turuan kayo sa trabaho rito." Magalang na sagot niya.

"Ako naman ang humihingi sa'yo ng trabaho, eh. Kahit ipasa mo na sa akin iyong mga simpleng gawain. Alam kong marami ka ring inaasikaso." Pangungumbinsi ko sa kanya.

Hindi siya agad umimik. Tila naninimbang sa kanyang magiging desisyon. I took that as an opportunity to say more.

"Huwag kang mag-alala. Tuturuan mo pa lang naman ako, eh. Sasabihin ko sa kanya ang tungkol dito bago ko gawin ang trabahong ibibigay mo para hindi ka mapahamak." I added.

Nang makita ko siyang tumangu-tango, nabuhayan ako ng loob.

"Okay Miss, sunod ka na sa akin." Malumanay sa sagot niya sa akin.

Mabilis kong kinuha ang planner at ballpen ko bago sumunod sa kanya.

Nasa desk niya kami ngayon habang nakaupo kami at ino-orient niya ako sa magiging trabaho ko. Ibinigay niya na sa akin ang pag-remind ng schedule ni Alfie araw-araw. Siya na lamang daw ang mag-aayos at ibibigay niya iyon sa akin tuwing umaga.

"Kapag may ipapabalik si Sir na dokumento sa ibang opisina, ibigay mo na lang iyon sa akin. Ako na lang ang bababa at magbabalik." Aniya.

"Hindi ba pwedeng ako na lang? Para ma-familiarize ko rin ang bawat opisina, 'di ba?" I suggested.

Umiling siya. "Hindi pwede Miss Grae, hanggang dito ka lang sa palapag na ito." He said with finality.

I pouted. Ang istrikto rin pala ng isang ito. Bigla kong naalala iyong itatanong ko sana kay Alfie. Baka sakaling kilala niya rin kung sino iyong tinutukoy ng mga babaeng empleyado kanina sa elevator.

"Harold..." I tried to get his attention.

"Yes, Miss Grae?"

"May kilala ka bang Venice?" I asked.

Natigilan siya at bahagyang nag-isip. "Si Ma'am Venice Zarragosa ba ang tinutukoy mo, Miss Grae?"

Ako naman ngayon ang natigilan. Hindi ko naman kasi alam ang apelyido niya.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon