chapter one | the town freak

29.1K 1.3K 1.1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Helga


"Kaya pala wala akong benta! Umalis ka nga! Minamalas ako dahil sa'yo!"

Tumango ako at patuloy na pinagmasdan ang ibong nasa loob ng hawla. Pumapagaspas ang mga balahibo nitong kulay dilaw, ngunit kahit na anong lipad ay nagpapaikot-ikot lamang ito sa kinasasadlakan, walang ibang patutunguhan.

"Sabing alis!" Hinigit ng matandang lalake ang likod ng t-shirt ko at sapilitan akong kinaladkad palabas ng pet shop. Ngumisi na lamang ako at sumabay sa paglalakad, mamaya madapa pa ako. I learned from experience.

"At 'wag ka nang babalik!" sigaw pa ng matanda nang tuluyan akong maitulak palabas ng pinto, papunta sa sidewalk. Padabog niyang sinara ang pinto, yumanig tuloy ang salamin ng shop niya.

Pinulot ko ang walkman kong nalaglag. Naluwa nito ang paborito kong cassette tape kaya naman dali-dali ko itong pinagpagan at hinipan bago muling ipinasok sa loob. 

Sandali kong kinilatis ang walkman. Bukod sa dating maliliit na bitak sa kulay asul nitong katawan, wala naman akong napapansing bagong bitak o sira. Epektibo ang electrical tape na nilagay ko sa bawat dulo ng rektanggulo nitong kabuuan. 

Pagak akong humalakhak at umayos ng tayo. Inayos ko ang suot kong maong na jacket — tama nga si Chaplin, hindi masyadong masakit makaladkad kung ito ang suot ko. Hindi rin madaling mapunit gaya ng mga nauna kong damit.

Isinuot ko ang manipis na headphones na nakasabit lang sa batok ko. Ipinasok ko naman ang cord sa walkman bago ito inipit sa belt strap ng pantalon ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa sidewalk, sumasabay sa pagkanta ng paborito kong banda.

Sa bawat establismentong nadadaanan, ramdam ko ang mga mata nilang napapatingin sa akin. Minsan ay sinasadya kong tumingin sa kanila pabalik, ngumingisi o hindi kaya ay kumawakaway. Lalo silang nagagalit kapag ganito. Who's laughing now?

Napakurap-kurap ako nang may balikat na bumangga sa akin. Imbes na matinag, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sa daming beses na may sadyang bumangga sa akin, tumigas na ang mga balikat ko. Pwede na yata akong maging bouncer sa club.

Balang araw, makakaalis rin ako sa impyernong 'to.

I can't wait to kiss this town goodbye, leave everything behind, and live my best life elsewhere.

Pagpasok sa eskwelahan, nadagdagan pa ang mga balikat na bumabangga sa akin. May bonus pang himas sa likod na karaniwang sinusundan ng tawanan. Ano na naman kaya ang dinikit nila sa likod ko? Sana naman tama na ang spelling. 

Lumapit ako sa locker ko na tadtad ng kung ano-anong vandal, may nakadikit pang litrato ng cross at mukha ng Diyos. Pagbukas ko ay halos matanggal ang pinto, mabuti na lang at nasuportahan ko agad ng hawak. May ungas na naman sigurong nagtangkang sumira rito.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon