chapter twenty-two | remember this

5.9K 551 381
                                    


hello! sorry for the inconsistency with ringo's name hihihi it's ringo with one 'r' lang. ewan ko anong sumasapi sa akin at nagiging double minsan lol. continue to call me out if you notice any wrongs, so that i can 'em right. thank you!

♫ --- ♫ wonderwall - oasis ♫ --- ♫

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♫ --- ♫ wonderwall - oasis ♫ --- ♫


Nagsisimula ang bawat araw ko sa paghahanda ng almusal namin ni Drystan. Dahil hirap makahanap ng trabaho, buong araw lamang akong nasa bahay at naglilinis, o hindi kaya'y pumupunta kanila Andrea upang tumambay. Minsan, kapag sinusuwerte, pinapapunta ako ni Ms. Shirley sa kanila upang maglaba o hindi kaya'y maglinis. Nagdadala pa siya ng mga palalabhan ng kapitbahay kaya minsan dumudoble ang sahod ko.

Kapag kailangan ko nang magtrabaho sa video shop, walang palyang tumatambay roon sina Chaplin, Andrea, Ringgo, at Drystan. Tumutulong na rin sila sa shop kahit walang suweldo kaya naman tuwang-tuwa pa si Ms. Shirley sa kanila.

Gabi-gabi, nanonood kami ng pelikula sa shop. Para patas, salitan kami sa pagpili ng kung anong papanoorin. Nakakatuwa dahil sa tuwing si Drystan na ang kailangang pumili, lagi niyang tinuturo ang mga pelikula ni Dolphy. Minsan, naiinis na sa kanya ang mga kaibigan namin dahil puro na lang daw siya Dolphy, pero sa huli ay pare-pareho rin naman kaming nagtatawanan dahil sa pelikula ng komidyante.

Bukod sa manood ng pelikula, pumapasyal din kami nang magkakasama, hindi nga lang sa mataong lugar. Halos lahat ng sulok ng La Bianco ay napasyalan na namin, pero mukhang pare-parehong ang Renata Lake ang paborito namin tambayan. Minsan naman ay nagtitipon-tipon lamang kami sa isang bahay; ang ilan ay nagtuturo kay Drystan ng pagsusulat at pagbabasa, habang ang iba naman ay kanya-kanya na ng trip.

Nagtatapos ang bawat gabi ko sa pagbibisikleta pauwi kasama si Drystan. Masaya kaming nagkukuwentuhan tungkol sa araw namin habang nasa ilalim ng mga bituwin at napapaligiran ng sariwang hangin.

Bago matulog, nagkukuwentuhan pa kami at minsan ay sabay pang nagdarasal. Noong una ay nahirapan kami sa pagpapaliwanag tungkol sa Diyos, ngunit kalaunan ay tila pinili ni Drystan na manalig kagaya namin. 

Naging gano'n ang araw-araw namin. Nag-iiba lamang kung wala kaming trabaho o kung hindi kaya'y masama ang panahon.

Sa tuwing umuulan nang malakas at hindi kami makalabas, pinipili naming buksan ang bintana at maupo malapit dito upang lumanghap ng sariwang hangin. Kalimitang nawawalan ng kuryente ang bahay sa tuwing masama ang panahon kaya imbes na magpatugtog sa radyo, isinusuot ko sa kanya ang headphones at pinaparinig ang mga paborito kong kanta mula sa walkman ko. Minsan naman ay binabasa ko nang malakas ang mga paborito kong libro at siya naman ay masayang nakikinig, nagtatanong lamang kung wala na siyang naiintindhan.

Sa tuwing maganda naman ang panahon at pareho kaming tinatamad lumuwas sa bayan, pinupuntahan namin ang malaking puno ng acacia sa labas ng bahay. Tumatambay kami sa mesa at mga upuang si Drystan mismo ang  nag-ayos. Minsan, sabay kaming nagbabasa ng libro o hindi kaya'y nakikinig ng radyo. Habang tumatagal ay lalo siyang gumagaling sa pagsusulat at pagbabasa pero patuloy pa rin ang pagtuturo ko sa kanya upang lalo pa niyang mahasa ang kanyang abilidad. 

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon