chapter six | the nostalgia

9.3K 1K 322
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang nagbi-bisikleta sa gitna ng madilim at tahimik na kalsada, walang ibang laman ang isip ko kung hindi si Chaplin. Hindi ko mapigilang mag-alala lalo't takot na takot talaga siya. Ni hindi nagpaalam at dire-diretsong umuwi sa kanila matapos magkamalay.

Nahinto ako sa pagpadyak nang maramdaman ko ang mumunting patak ng ulan. Napatingala ako at idinaan na lamang sa malakas na buntong-hininga ang labis na inis.

Muli ako ng pumadyak, pero ilang sandali lang ay tuluyang bumuhos ang ulan. Pilit akong nagpatuloy hanggang sa bigla kong natanaw sina Mommy at Daddy sa gilid ng kalsada, may tig-isang hawak na payong. Kapwa sila may masayang ngiti sa mukha, inaabangan ang pagdating ko.

"Anak!" Nagtaas kaagad si Daddy ng kamay at kumaway nang makita ako.

"Dahan-dahan, madulas ang daan!" sabi naman ni Mommy at kumaway rin sa akin.

Kanina pa malabo ang mga mata ko dahil sa ulang tumatama sa akin, pero lalo pa itong nanlabo dahil sa mga luha ko. Sa kabila nito, punong-puno ng saya ang puso ko na makita sila muli.

"Mommy! Daddy!" My voice pierced through the sound of the rain.

Binilisan ko ang pagpadyak habang pilit na bumabalanse sa madulas na daan. Sabik na sabik na akong mayakap sila ulit.

"Mommy! Daddy!" paulit-ulit kong sigaw hanggang sa bigla na lamang akong bumagsak.

Masakit man ang katawan at basang-basa sa ulan, mabilis akong bumangon at idinaan na lang sa tawa ang nangyari. Ngunit nang dumako ang tingin ko sa kinatatayuan nina Mommy at Daddy, wala na akong ibang nakita kung hindi anino ng mga pananim.

Lalo akong natawa nang mapagtantong naloko na naman pala ako ng sarili kong pangungulila at kalungkutan. Tawa ako nang tawa hanggang sa tuluyang rumagasa ng mga luha ko. Hindi nagtagal ay tuluyang nanghina ang mga tuhod ko. Kasabay ng pagbagsak ko sa aspalto ang tuluyan kong paghagulgol.

Why did I survive? Why didn't I just die that night?

What's the point of living when I'm all alone?

They keep saying it's a miracle that I survived, but why does it feel like a punishment?

****

Bumungad sa akin ang kadiliman sa pagpasok ko sa bahay. Sa ilang araw kong pananatili rito kasama si Ate Nelly, nakalimutan kong ito nga pala ang reyalidad ko. Ang maiwang mag-isa.

Binuksan ko ang mga ilaw at iniwan sa sahig ang putikang sapatos at backpack. Tumungo ako sa kusina at dumiretso sa refrigerator upang uminom ng tubig. Sandali akong napatingin sa mesa at naalala ang pagkaing laging naghihintay sa akin noon sa tuwing galing ako sa school. Mula nang mawala ang mga magulang ko, nawala na rin ito. Inaamin ko, masaya ako kasama si Ate Nelly nitong mga nakaraang araw dahil parang may mga magulang ulit ako, pero ngayong siya naman ang umalis, bumalik ulit ang lahat sa dati.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon