chapter fifteen | never alone

7K 670 319
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"N-Nasaan ako?" Kumurapkurap ako dahil sa labo ng paningin ko. Pilit kong inaninag ang paligid at napansin kong nasa loob ako ng silid na puno ng kung ano-anong kahon.

"Okay ka na ba?" sabi ng isang malambing at malumanay na boses. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling at nakita ko si Andrea na nakaupo sa tabi ko, may nag-aalangang ngiti sa mukha.

"Mmm-mmm . . ." Tumango ako. Sinubukan kong bumangon at mabilis niya akong inalalayan. Doon ko lang napansing nakahiga pala ako sa isang kamang ubod ng lambot.

"N-Nandito ka sa kuwarto ko—" nagbaba siya ng tingin at kasabay nito ang pagtamlay ng ngiti sa mukha niya "—nahimatay ka kanina sa sobrang gulat nang malaman mo ang totoo tungkol kay Ringo."

"Ringo?" Sandali akong napapikit at pilit na nag-isip. Dumilat lamang ako nang maalala ang tungkol sa natuklasan namin. "T-Totoo ba talagang multo na 'yong kapatid mo?"

Pumikit si Andrea at dahan-dahang tumango. "A-Alam kong mahirap paniwalaan, pero ito ang totoo. Pumanaw ang kapatid ko dalawang taon na ang nakakaraan. Lumipat kami rito sa bayan ng La Bianco dahil gusto ni Papa na magsimula kami ulit."

Napansin ko ang butil ng luhang pumatak pababa sa pisngi ni Andrea. Marahas siyang napakamot sa kanyang braso at kasabay nito ang paghigpit ng kanyang hininga. "Pasensya ka na. Siguradong takot na takot ka kaya ka nawalan ng malay—"

"Ang totoo masyado lang talagang masama ang pakiramdam ko. Kagabi pa," pag-amin ko.

Mabilis na dumilat si Andrea at nag-angat ng tingin. Doon ko nakita ng tuluyan ang mga mata niyang lumuluha. "Hindi ka takot?"

"Hmmm . . ." Lumabi ako't bahagyang tumango. "Konti lang. Ang totoo, mas nagulat ako kaysa sa natakot. Kaya pala hindi kami kinakausap ng kapatid mo mula nang una tayong magkita sa video shop."

"N-Nakita mo rin siya nang araw na iyon?" Kumunot ang noo niya kasabay ng pagkiling ng kanyang ulo.

Tumango akong muli.

"M-Matagal ka na bang nakakakita ng multo?" Tila sabik niyang sambit.

Bahagya akong ngumiwi at umiling. "A-Ang totoo hindi ako naniniwala sa multo, pero nagbago ang lahat nang makita ko siya sa loob ng salamin."

Natigilan si Andrea kasabay ng lalo pang pagkunot ng kanyang noo.

Ngumiti na lamang ako ng tipid. "Mahirap ipaliwanag pero—"

"T-Tama ba 'yong narinig ko kanina? Tinawag mong multo ang kasama mong lalake?" putol niya sa sinasabi ko.

Nagdalawang-isip ako nang kaunti kung sasabihin ko ba ang totoo, pero sa huli, napagtanto kong wala rin namang saysay kung magsisinungaling ako.

"Isa siyang multo na nakakulong sa salamin," pag-amin ko. "Pero magmula nang makawala siya kagabi, tuluyan na siyang naging isang tao."

"OMG!" Suminghap siya at mabilis na nagtakip ng bibig.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon