chapter ten | the boy in the mirror

8.4K 980 825
                                    

!!!trigger warning: sexual violence, abuse, and profanities.

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sandali akong nanatiling nakahiga, pinapakiramdaman ang paligid, hinihintay na marinig ang boses niyang tumawatag sa akin. Ngunit wala.

Tatlong taong mag-isa laban sa isang buwang kasama siya. 

Mas matagal akong namuhay nang mag-isa, pero bakit hinahanap-hanap ko ang presensya niya?

Hinila ko ang sarili ko paupo. Walang kabuhay-buhay akong humarap sa salamin, bagsak ang mga balikat. Sa kabila ng mga agam-agam, pilit akong ngumiti habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon. "Drystan, ilang araw ka nang hindi nagpapakita. Iniisip mo ba talagang galit ako sa 'yo?"

Ilang araw na mula nang dukutin ako ng mga babaeng nakasuot ng pula. Mula noon ay hindi na nagpakita pa si Drystan. 

Nag-aalala ako sa kanya dahil alam kong sinisisi niya ang sarili sa nangyari sa akin, kahit hindi niya naman inaasahang gano'n ang kahahantungan ng lahat. 

Nagkamali si Drystan, oo. Pero alam kong hindi 'yon ang gusto niyang mangyari.

"Hindi ko alam kung naririnig mo ako, pero kung gano'n man, pakinggan mo nang maigi ang sasabihin ko." Tumayo ako at humakbang palapit sa salaming nakadikit sa dingding. "Wala kang kasalanan. Alam kong hindi mo ginusto ang mga nangyari. Siguro nga kung wala ka lang diyan sa salamin, sinaklolohan mo na ako. Drystan, hindi ako galit sa'yo."

Ilang sandali akong naghintay, ngunit sa huli ay naiwan pa rin akong nakatitig sa sarili kong repleksyon. Nag-iisa.

***

Ika-anim ng Abril, taong 1996. Bukod sa biyernes, simula na rin ng bakasyon ng lahat estudyante kaya naman mas marami akong nakikitang dumadaan sa labas ng shop—Pumapasyal sa kung saan kasama ang mga kaibigan, kamag-anak, o hindi kaya ay kasintahan. Bilang lang ang mga nakikita kong naglalakad nang mag-isa.

Naalala ko tuloy ang buhay ko noong hindi pa napagbibintangang mamamatay-tao ang pamilya ko. Lagi rin akong pumapasyal kasama ang mga magulang o mga kaibigan ko. Nakukuha at nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Nakakapunta ako kahit saan. At higit sa lahat, hindi ako kinakatakutan o pinagtatabuyan ng mga taong ni minsan ay hindi ko ginawan ng masama.

Kung gaano karami ang tao sa labas, kabaliktaran naman dito sa loob ng shop. Minsan lang may pumapasok na customer, at kung meron man ay nagmamadali kaagad sila na umalis kapag nakitang ako ang nagbabantay. May ilang nagtatagal ngunit 'yon nga lang ay sinasaamaan ako ng tingin o hindi kaya ay pinaparinggan ng kung ano-anong masasakit na salita. Mabuti na lang at may walkman ako magdi-distract sa akin kahit papaano.

Nahihiya na talaga ako kay Ms. Shirley, lalo na kay Tiyo Salvador. Oo nga't night shift lang ang trabaho ko rito, pero alam kong malaki ring kabawasan sa kita nila ang pagta-trabaho ko rito lalo't iniiwasan ako ng mga tao. Siguro nga, kung hindi lang isang respetadong propesor si Tiyo Salvador galing sa isang marangyang pamilya, baka pinagdiskitahan na rin ng taumbayan ang shop. Masuwerte pa rin talaga ako kahit papaano.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon