chapter thirty-one | the fallout

4.5K 439 187
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pilit kong nilulunod ang isip ko sa trabaho, ngunit kahit anong gawin ko'y paulit-ulit kong naalala ang galit sa mga mata ni Andrea, pati na ang umiiyak na mukha ni Chaplin.

"Kayo ang problema ko! Ayokong makasama kayo! Leave me alone!"

"Just accept it, no one wants to be friends with a freak like you!" 

"Kung gano'n susukuan mo rin ako nang gano'n gano'n na lang?"

Pumikit ako nang mariin at pilit na umiling upang mawakli ang mga boses nila mula sa isip ko. Hindi ko na mabilang kung ilang kaibigan ang bumitiw at tumalikod sa akin. Naiintindihan ko ang mga dahilan nila, at hindi ko sila masisisi sa paglayo, ngunit napakasakit pa rin.

"Ba't nag-iisa ka?" 

Napalingon ako at muling kumawala ang mga luha ko nang makita ang nakangiting si Drystan na nasa pintuan ng shop. 

"Ba't ka umiiyak?" Naglaho ang ngiti sa mukha niya't agad niya akong nilapitan. 

"W-Wala . . . " Umiling ako't pilit na ngumiti sa kabila ng mga luha kong panay ang pagpatak. 

"Helga . . . " Kunot-noo at puno ng pag-aalala niyang sambit.

Umiling-iling ako't nagpunas ng luha. "Wala nga . . . "

Sa kabila nito, lumapit pa rin sa akin si Drystan. Pumasok siya sa counter na kinaroroonan ko at  binalot ako sa isang mahigpit na yakap. Sa puntong iyon ay tuluyan akong napaiyak nang malakas. Idinaan ko na lamang sa iyak ang labis na sakit ng damdamin ko.

***

"Bukas na bukas din ay kakausapin ko sina Chaplin at Andrea," may determinasyong wika ni Drystan habang nagbibisikleta kami sa gitna ng daang napagigitnaan ng iba't ibang pananim. Gaya ng dati, siya ang nagpapandar ng bisekleta at ako naman ay nakaupo sa bandang harapan.

Umiling ako at marahang pumikit, dinadama ang malamig na hanging sumasalubong sa amin. "Huwag na. Hihintayin ko na lang kung ano man ang itinakda ng panahon para sa amin."

"Wala akong tiwala sa panahon. Kakausapin ko pa rin sila," pabiro niyang giit at pasimpleng pinatong ang mukha niya sa ibabaw ng balikat ko. "Ayoko na pinapaiyak ka nila."

"Iyakin lang talaga ako," biro ko na lamang at iniwas ang katawan ko mula sa kanya. Mamaya marinig niya pa ang puso kong dumadagundong na naman dahil sa presensya't mga kilos niya.

"Mas iyakin si Chaplin," giit niya naman kaya hindi ko tuloy mapigilang matawa.

"Oo nga! Biruin mo, naiyak siya do'n sa pelikula ni Dolphy, e nakakatawa nga 'yon!" komento ko at bahagyang lumingon sa kanya.

Sa isang iglap ay ngumuso siya at bigla akong sinamaan ng tingin. "Helga, ako 'yong naiyak sa pelikula ni Dolphy."

Pabiro akong suminghap, namimilog ang mga mata. "Hala! Edi ikaw 'yung pinakaiyakin!"

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon