chapter seven | the new ally

9.1K 957 360
                                    


"Helga? Hindi ka pa ba gigising? Masyado nang mahaba ang tulog mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Helga? Hindi ka pa ba gigising? Masyado nang mahaba ang tulog mo..."

"Helgaaa?"

"Gising ka na ba?"

"Helgaaa?"

"Oyyyy, Helga?"

Pikit mata kong kinuha ang unan sa gilid ko at inihagis ito sa direksyon ng salamin. 

"Hindi... Sikat... Umaga..." Antok na antok pa ako at ni hindi ko pa mabuka nang maayos ang mga mata ko, pero heto siya at ayaw paawat sa pambubulabog.

"Oo na, sige! Matulog ka pa!" Narinig kong tugon niya gamit ang naiinis na namang boses.

"Good night..." Ngumiti na lang ako at muling nagpahila sa antok.

Kalaunan, naramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hudyat ko na itong bumangon kaya naman pupungas-pungas akong naupo at nag-inat. Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakasabit ang may kalakihang salamin at nakita si Drystan na nakahalumbaba at nakasimangot.

"May balak ka pa palang gumising?" sarcastic nitong sambit.

"Sa totoo lang wala, but do I have a choice?" Napangisi ako at napasulyap na lamang sa orasan.

"Hayan ka na naman sa sinasabi mong hindi ko maintindihan!" He whined, rolling his eyes like a cute little kid.

Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at bumungad kaagad sa akin ang tanawin ng ekta-ektaryang mga damo at pananim. May natatanaw pa akong mga magsasaka na dala-dala ang kani-kanilang mga kalabaw.

"Hindi mo ba kayang lumipat dito?" Napalingon ako kay Drystan sabay turo sa jalousie ng bintana.

"Hindi... Ano bang tinitingnan mo diyan?" tanong niya.

Lumapit ako sa direksyon ni Drystan at maingat na tinanggal ang salamin mula sa dingding.

"Anong ginagawa mo? Teka, Helga--"

"Shhh..." giit ko dahil medyo mabigat ang salamin at maalikabok pa sa likurang bahagi. Kailangan kong mag-concentrate kung ayaw ko itong bumagsak sa sahig.

Napabuntong-hininga ako nang tagumpay kong mailapit ang salamin sa nakabukas na bintana. "Drystan, tingnan mo. Ang ganda tingnan ng mga pananim, hindi ba? Araw-araw 'yang inaasikaso ng mga magsasaka sa tulong ng mga alaga nilang hayop. May sarili rin kaming lupain noon at bawat umaga, sinasamahan ko ang lola at lolo ko na maglibot sa paligid. Hindi nila ako pinapatulong sa mga gawain, pero hinahayaan nila akong manood."

Hindi kumikibo si Drystan. Gustuhin ko mang tingnan ang reaksyon sa mukha niya, hindi ko naman magawa dahil medyo hirap ako sa bitbit na salamin. 

"Ibababa ko na, ha? Sumasakit na ang mga braso ko," paalam ko na lamang at agad na ibinalik sa pagkakasabit ang salamin.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon