chapter four | the unlikely companion

9.9K 975 545
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Humahangos kong binitiwan ang hawak na tubo at napatitig sa mga bubog na nalaglag sa sahig.

Sa isang iglap, biglang nilukob ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa salaming nagsilbing kulungan ni Drystan sa matagal na panahon.

"Drystan?" Kusang kumawala ang pangalan niya mula sa bibig ko. 

Nang walang makuhang tugon, nilibot ko kaagad ang tingin sa paligid ng basement ngunit mag-isa lamang ako. Kahit saang sulok ako tumingin, wala akong nakikitang bahid ng kanyang presensya.

Excited ako na makita siyang malaya, pero dahil sa katahimikang bumabalot sa paligid, nagsimula akong makaramdam ng pag-aalala. Patindi nang patindi sa bawat paglipas ng sandali.

"D-Drystan?" Itinaas ko ang kamay ko at marahang pinaglandas ang daliri sa bawat bitak ng natitirang mga piraso ng salamin. 

Paano kung mali siya? Paano kung kamatayan niya ang dulot ng pagbasag ko sa salamin? 

Nanikip ang dibdib ko dahil sa mga naisip na posibilidad. Dali-dali kong kinuha ang gasera at umakyat sa hagdan.

"Anong ingay 'yon? Okay ka lang ba?" Bumungad agad sa akin si Ate Nelly na kakarating lang sa kusina.

"M-May nasagi lang po akong gamit." Pinilit kong ngumiti kahit humahangos.

"Bakit ka umiiyak?" Kunot-noo niyang tanong kaya naman mabilis kong pinahid ang palad sa pisngi. 

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Siya nga pala, hindi naman salaming nabasag 'yong narinig ko 'di ba?" 

Natigilan ako at agad na napatitig kay Ate Nelly. Sa isang iglap, nagsimulang dumagundong ang puso ko. "P-Po?"

"Kanina, may natagpuan akong isang liham sa sahig. Sa tingin ko, kasama 'yon ng mga iniwan sa akin ni Roldan at nalaglag lang. Ayon sa liham, importante raw na 'wag mabasag ang salamin. Kung maari ay huwag lalapit dito at sunugin lang agad." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ate Nelly dahilan para dumoble pa ang kaba ko.

Marahan na lamang akong tumawa. "P-Paano... Paano lang po ha?"

Nanikip ang lalamunan ko kaya muli akong napalunok. "Paano po kung aksidenteng nabasag ang salamin? Wala naman pong mangyayaring masama 'di ba?"

Tumalikod si Ate Nelly at nagsimulang maglakad pabalik sa sala. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya.

Pinulot niya ang isang piraso ng papel mula sa ibabaw ng radyo at inabot ito sa akin.

"Ayon sa asawa ko, isa raw masamang nilalang ang nakakulong sa salamin. Hindi ito dapat makawala dahil magdudulot lamang ito ng matinding kamapahamakan. Ang dapat gawin ay sunugin ang salamin nang tuluyan na itong maglaho." Huminga nang malalim si Ate Nelly at napatitig sa mga mata ko. "Hindi ako naniniwala sa kababalaghan, pero gusto kong respetuhin ang mga pinaniniwalaan ng asawa ko.... Helga, 'wag nating hayaang mabasag ang salamin."

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon