chapter eight | unbeknownst

8.8K 910 645
                                    


1 month later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1 month later


"Helga! Tumuntong na sa six ang malaking kamay ng orasan!" 

Narinig kong sumigaw si Drystan mula sa labas ng banyo kaya naman mas binilisan ko ang pagbibihis. Excited akong pumasok lalo't huling araw na 'to ng school year namin. Bukas ay magsisimula na ang bakasyon namin, ibig sabihin mas marami akong oras para magtrabaho at kumita ng pera.

Paglabas ko ng silid ay dumiretso agad ako sa kama kung saan nakapatong ang backpack ko, sinisigurong walang maiiwan sa homework ko. Saglit akong napatingala sa orasan at agad napangiwi nang makitang 6:25 pa, imbes na 6:30.

"Drystan, nalito ka na naman sa number 5 at 6." Lumingon ako sa salaming nasa likuran ko, at nakita ang repleksyon ni Drystan na nakaupo na sa kama ko. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nababagot.

Hindi ko alam kung paano nangyari o kailan nagsimula, pero napansin na lang namin na may kakayahan na siyang humawak ng mga gamit. 'Yon nga lang ay hindi niya ito nagagalaw. Hanggang hawak lang talaga. 

"Helga naman kasi eh. Ang makaalis mula sa salaming 'to ang gusto ko, hindi matuto ng mga numero," he complained for the nth time.

"Makakatulong din naman sa'yo ang mga tinuturo ko. Sige nga, paano ka mamumuhay kung nandito ka na sa mundo namin?" pabiro kong tanong.

Nagkibit-balikat siya at ngumisi. "Malay ko. Nandiyan ka naman."

"Hala hindi ah!" Mabilis kong giit. "Aalis ako ng La Bianco kapag natapos na ako ng high school."

Bahagyang lumabi si Drystan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Naningkit pa ang mga mata niya kaya naalala ko tuloy 'yong mga araw na litong-lito siya habang tinuturuan ko ng basic english words.

"Nakalimutan mo na ba ang ibig sabihin ng elementary, high school, at college?" pabiro kong tanong.

"Hindi. Memoryado ko na 'yan," aniya sabay iling, parang malalim pa rin ang iniisip.

"Kung gano'n anong naiisip mo?" Naupo ako sa kama at napatingin muli sa salamin. 

Dahil sa repleksyon niya, para talaga kaming magkatabing nakaupo sa kama, kahit ang totoo ay mag-isa lang ako rito.

Napatingin siya sa akin sabay bungisngis. "Sasama na lang ako sa'yo!"

"Ngi!" Ako naman ang natawa at lumabi. "May pera ka ba?"

Nag-angat siya ng magkabilang balikat sabay ngisi. "Magta-trabaho ako kagaya mo?"

"Paano ka nga magta-trabaho kung ayaw mong matuto?" pabiro kong ganti.

Bumuntonghininga siya sabay kamot nang marahas sa ulo. "Oo na! Hindi na ako magre-reklamo, Teacher Helga!"

"Uy! Naalala na niya ano ang ibig sabihin ng teacher!" Natatawa ko siyang pinalakpakan. "Sige nga, spell mo nga!"

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon