chapter thirty-six | hear me out

4K 408 131
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang nakatayo sa harapan ni Drystan at nakatitig sa nag-aalala niyang mga mata, biglang bumalik sa isip ko ang araw kung kailan kami nagkakilala. Wala siyang ibang ginusto kundi makawala sa salamin . . . at mabuhay gaya ng isang normal na tao.

"Helga, anong nangyayari?!" giit niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

Naikuyom ko ang kamao ko't kasabay nito ang muling pagpatak ng mga luha ko.

"K-Ka . . . " My lips trembled as shallow breath escaped my lips instead. 

Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at bahagyang yumuko upang maglapit ang mga mata namin. "Helga, sabihin mo sa akin. Huwag kang matatakot."

Napapikit na lamang ako nang mariin at hinayaan ang mga salitang kumawala mula sa labi ko. "Si Domingo ang pumatay sa buo kong pamilya."

"A-Ano?" Halos bulong na sambit ni Drystan.

Dumilat ako't tumitig sa kanyang mga mata, nagsusumamong papakinggan at paniniwalaan niya. "D-Drystan, ang kapatid mo . . . si Domingo ang pumatay sa buo kong pamilya. Pinagtangkaan-"

Kaagad akong binitiwan ni Drystan at mabilis siyang humakbang paatras. Bakas ang kalintuhan at gulat sa kanyang mukha.

Lumunok ako't pilit na humugot ng lakas upang magpatuloy. "Drystan, tulungan mo akong humanap ng proweba laban kay Domingo. Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to kaya sana tulungan mo ako. Alam kong mahirap 'tong—"

"Helga, s-sinong nagsabi? 'Yong Tiyo Salvador mo ba?" Nag-unahan ang kanyang mga luha sa pagbagsak, bagay na lalong ikinakirot ng puso ko. 

Umiling ako, ngunit bago ako makapagpaliwanag, pumikit si Drystan nang mariin at bumaling sa kaliwa't kanan. Lumitaw ang mapait na ngisi sa kanyang mukha at sa pagdilat niya'y wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi matinding poot. "Helga, sinungaling ang Tiyo Salvador mo! Huwag na huwag mo siyang paniniwalaan dahil wala siyang ibang gusto kundi mabulok ako sa salaming iyon!"

Labis akong nagulat sa kinilos ni Drystan. Ngayon lang siya nagpakita sa akin ng ganitong galit. Sa sobrang gulat ko'y napako ako sa kinatatayuan at walang ibang nagawa kundi umiling at umiyak. "D-Drystan . . . "

Marahas na nasapo ni Drystan ang kanyang batok. Tuloy-tuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha at pulang-pula na ang kanyang mukha. "Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya! Sa kanilang lahat! Ngunit ni isa, walang tumulong sa akin! Hinayaan nila akong mabulok sa lugar na iyon! Araw-araw hinihiling ko ang kamatayan, ngunit walang kamatayan ang lugar na iyon! Hindi siya nakuntento't pati ikaw, kukunin ka rin niya sa akin?! Pilit kong kinalimutan ang ginawa niya sa akin dahil mahalaga siya sa 'yo, pero hindi ko na 'to malalampas, Helga! Sinisira niya tayo gaya ng sinabi ni Domingo!"

"D-Drystan hindi!" Dali-dali akong lumapit sa kanya. Nanginginig ang buo niyang katawan sa galit at kahit ang mga braso niya ay pulang-pula na rin. "Drystan, makinig ka sa akin! Please—"

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon