chapter twenty-one | the new normal

6K 592 272
                                    


hello! i'm noticing new faces sa notifs haha! hello sa inyo! if u want to make friends with fellow readers, feel free to join the serial reader family <3 just search up 'the serialreaders' on facebook and then make sure to read the rules + answer all of the security questions to be accepted. kyot mga nandiyan, promise.


♫ --- ♫ alapaap - eraserheads ♫ --- ♫

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♫ --- ♫ alapaap - eraserheads ♫ --- ♫



Alas singko ng umaga nang magising ako.  Naunahan ko pa ang alarm clock. Mula sa kamang kinahihigaan, bahagya akong dumukwang upang abutin si Drystan na mahimbing na natutulog sa sahig.

"Drystan . . . " mahinahon kong wika sabay himas sa tikwas ng kanyang buhok. "Drystan, gumising ka na. Baka ma-late ka sa trabaho mo."

Pikit-mata siyang umangil nang bahagya at saka tumalikod mula sa akin. Hindi ko napigilang ngumiti.

"Drystan, gising na. Akala ko ba gusto mong magkaroon ng pera?" tanong ko pa at pabirong sinundot ang kanyang balikat.

"P-Pera!" Bigla na lamang naupo si Drystan, pikit-mata pa rin at pasuray-suray pa dahil sa antok. Pilit siyang bumangon kaya naman inalalayan ko siya hanggang sa maupo sa paanan ng kama ko.

"Magbilang ka hanggang tatlumpu at saka ka tumayo. Pagkatapos, maligo ka na at magbihis," wika ko at bumaba na sa kusina upang magluto ng agahan namin.

Mabuti na lang talaga at may Ringgo na nagtuturo kay Drystan sa mga bagay na hindi namin kayang ituro. Dahil sa kanya, alam na ni Drystan paano asikasuhin ang sarili nang walang tulong ko. Masuwerte rin kami dahil may Chaplin na nagtuturo kay Drystan sa mga modernong salita at gawain.

Pagdating sa kusina, napangiti ako nang madatnan ang dingding na tadtad ng mga flashcard at kung ano-anong visual aid na ginagamit namin sa pagtuturo kay Drystan kung paano magbasa at magsulat. Noong una ay ako lamang ang mag-isang nagtuturo kay Drystan, pero kalaunan ay sumasali na rin sina Andrea. In fact, mukha pa silang nag-e-enjoy. Pakiramdam ko tuloy ay puwedeng-puwede silang maging guro pagtanda namin.

Dumating si Drystan na bagong ligo at bihis. Hindi pa ako tapos sa pagluluto kaya naman agad siyang tumulong. Marami na siyang alam sa kusina dahil sa tuwing tumatambay kami sa tahanan nina Chaplin, pareho naming pinapanood si Tita Ida paano magluto. 

"Saan ka pala ngayong tanghali?" tanong ni Drystan habang kumakain kami.

"Wala pa akong nahahanap na trabaho kaya baka maglalaba lang ako at maglilinis dito. Mamayang gabi, may shift ulit ako sa video shop," paliwanag ko.

"Pero may trabaho na ako? Bakit mo pa dadagdagan ang trabaho mo?" kunot-noo niyang tanong. "Pumunta ka na lang sa bahay nina Andrea. Susunduin kita roon tapos sabay tayong pupunta sa video shop. Bukas wala akong trabaho, tutulungan kita sa paglalaba."

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon