epilogue

8K 600 673
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Drystan, nakikilala mo ba ang boses ko?

Sana nakikilala mo ang boses ko, kung hindi, magtatampo talaga ako . . .

Uhm . . . Sa totoo lang, marami akong gustong sabihin sa 'yo. Sa sobrang dami, hindi ko alam saan at paano magsisimula.

Teka, hinga muna ako nang malalim . . . 

D-Drystan, kung naririnig mo 'to ngayon, siguro wala na ako . . .

Pero Drystan, kahit wala na ako, huwag kang matatakot dahil ibig sabihin nito ay isa ka nang ganap na tao. Isang ganap na taong kayang gawin ang maraming bagay, pumunta sa iba't ibang lugar, magdiwang ng iba't ibang okasyon, at mabuhay ayon sa nais ng puso.

Makakamit mo na ang lahat ng mga pinapangarap mo, Drystan.

Mabubuhay ka nang masaya . . . at dahil dito ay masaya na rin ako.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, paulit-ulit kong babasagin ang salamin."


Naiwang nakatulala ang binata dahil sa mga narinig. Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha't nagsimula siyang humangos.

Sa isang iglap, rumagasa ang mga alaala sa kanyang isipan.

Unang bumalik sa kanya ang imahen ng isang dalagang may hawak na gasera sa gitna ng dilim. 

"Bakit ka nakakulong sa salaming ito?" Nakatingin ang babae sa kanya, kunot-noo at puno ng pangamba ang mga mata.

"Anong kailangan kong gawin para mapakawalan ka?" Luhaan ngunit may determinasyon nitong tanong.

"Helga . . . " Nakangiti nitong sambit habang nakahiga sa kama't nakaharap sa kanyang direksiyon. "Helga ang pangalan ko."

Nagbago ang buong paligid at natagpuan niya ang sarili na nagbibisikleta sa gitna ng mga pananim. Hindi siya nag-iisa dahil nasa harapan niya nakaupo ang dalaga. Kapwa sila nagtatawanan at nag-aasaran, masaya sa piling ng isa't isa.

"Ngayon, subukan mo silang isulat para mas tumatak sila sa isip mo," wika nito habang tinuturuan siya kung paano magsulat at magbasa. Hindi niya mapigilang tumitig sa ngiti nito habang nagtuturo.

"Drystan, ano ba! Masaya kaming dumating ka sa buhay namin! Wala kang kasalanan sa nangyayari!" giit naman nito habang nakahawak sa kanyang mga kamay.

"Mahal na mahal din kita . . . " marahang sambit nito at sinuklian ang kanyang halik.

"Helga . . . " Wala sa sariling sambit ng binata habang mahigpit ang hawak sa lumang walkman na nawalan na ng kulay pagkatapos ng maraming taon.

Naninikip ang dibdib, lumakas ang kanyang paghangos hanggang sa nauwi ito sa malakas niyang pagtangis. "Helga . . ."

Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin, at halos mabuwal siya sa kinatatayuan nang makita ang isang litrato na nakasabit sa dingding—apat na kabataang abot-tainga ang mga ngiti at halos magkakayakap sa isa't isa. Mayroong bakanteng espasyo sa gitna ng apat, dahilan para masilayan niya kulay asul na lawa sa kanilang likuran.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon