chapter twenty | favor

5.5K 577 145
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"May humahabol din ba sa inyo kanina?" Si Drystan ang unang nagtanong habang nagbibisikleta kami sa gitna ng tahimik at madilim na daang naliliwanagan lamang ng mga flashlight na nakakabit sa unahan ng bawat bisikleta namin.

"W-Wala . . . Natakot lang talaga kami ni Andrea sa ikinilos ng manghuhula," wika ko sabay sulyap sa direksiyon ni Andrea na tila ba nalulunod sa sariling isip habang pumapadyak. Gaya niya, tahimik lamang din si Ringgo at tila ba tinatangay ng hangin ang isipan.

Anong ibig sabihin ng mga sinabi ni Madam Moneo?

Naramdaman niya ba talaga si Ringgo? Paano niya nalaman ang apelyido ko gayong hindi naman siya nakakakita? Nagpapanggap lang ba siyang bulag?

Sa buwang nagdurugo, ikaw ang magiging kabayaran sa kanilang kalapastanganan!

May basehan ba ang mga pinagsasabi niya? Kung mayroon man, ano ang ibig sabihin nito para sa akin?

"Hindi ka ba niya sinaktan?" Nabalik sa kasalukuyan ang isip ko dahil sa katanungan ni Drystan.

Umiling ako kahit pa may nararamdaman akong hapdi sa pulsuhan ko. "Wala naman. Ikaw? Hindi ka ba sinaktan ng humahabol sa inyo?"

Gaya ko, umiling din si Drystan. Bahagya niyang hinilig ang ulo, dahilan para magtagpo ang mga tingin namin, pero mabilis din niyang binalik ang tingin sa daang tinatahak namin. "Hindi naman. Natakot lang ako kasi sabi ni Chaplin baka dukutin daw kami ng matanda at gawing pulubi sa daan—hindi ko alam anong ibig sabihin no'n, pero naisip kong baka hindi na tayo magkita kaya natakot na rin ako at tumakbo."

Biglang lumakas ang pintig sa puso ko dahil sa narinig. Natakot akong baka marinig niya ito lalo't napakalapit namin sa isa't isa.

"A-Ang ingay ng mga kuliglig at paniki!" pag-iiba ko kaagad ng usapan sabay tingala sa mga matatayog na punong tila ba nilamon na ng dilim at pinapasayaw ng malalakas na ihip ng hangin.

"Gusto mo bang patahimikin ko sila?" inosenteng tanong ni Drystan kaya agad akong natawa.

"Gago ka, Drystan." Narinig naming tumawa si Ringgo na narinig din pala ang sinabi niya lalo't halos magkakatabi lang ang mga bisikleta namin.

"A-Anong meron? Ba't ka natawa?" tanong naman ni Andrea na tila ba napukaw na ang isip.

Sa isang iglap, napansin kong huminto si Chaplin sa pagbibisikleta. Siya ang nasa pinakaunahan kaya naman sumunod kami't pare-pareho ring huminto.

"Okay ka lang, Chap?" tanong ko.

"Helga, malapit na pala tayo sa bahay mo!" bulalas ni Chaplin sabay turo sa isang lumang street sign na may nakasulat na speed limit. Sa ilalim ng numero, nakasulat ang salitang Renata Lake.

"Wait, nakatira ka malapit sa Renata Lake?" tanong ni Andrea at bigla na lamang nilingon si Ringgo. "'Di ba gusto mong pumasyal sa lawang 'yon nang dumating tayo rito?"

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon