chapter twenty-three | renata lake

4.9K 476 148
                                    


♫ --- ♫ the world i know - collective soul ♫ --- ♫

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♫ --- ♫ the world i know - collective soul ♫ --- ♫


Pilit kong dinadaan sa pagpikit at impit na pag-iyak ang labis na hapdi sa tuwing dinadampian ni Drystan ng bulak ang mga sugat sa namamaga kong braso.

"'Yong mga matatandang babae na naman ba ang gumawa nito sa 'yo?" 

Dumilat ako nang marinig ang boses niyang walang malamig at tila ba walang kaemo-emosyon. Napatingin ako sa kanya at doon ko lang napansin ang malamlam niyang mga matang may kinukubling poot.

"May naaamoy akong pagkain. Nagluto ka ba?" pag-iiba ko ng usapan kahit pa pakiramdam ko'y maiiyak na naman ako.

Tipid na tumango si Drystan, patuloy pa rin sa paglalapat ng gamot sa mga sugat ko. "Kilala mo ba kung sino sila? Kung saan sila nakatira?"

Kinilabutan ako sa seryosong tono ng kanyang pananalita. Malayong-malayo siya sa Drystang kilala ko. 

Pinilit kong idaan ang lahat sa tawa. "Hayaan mo na sila. Narinig mo naman ang sinabi ko kanina, 'di ba? Babalik ako sa lugar na 'to at pagbabayarin ko silang lahat. Gaganti ako sa sarili kong paraan, sa sarili kong oras—"

"Ako ang gaganti sa kanila para sa 'yo! Pagbabayarin ko silang lahat!" Nag-angat siya ng tingin sa akin at doon ko lang napansing pulang-pula na ang nanunubig niyang mga mata. 

"Wala kang gagawin, Drystan!" giit ko naman. Paano na lang kapag natuklasan nila ang pinanggalingan niya? 

Luminga-linga si Drystan, tila ba pilit na naghahanap ng ibang paraan. "P-Pulis ang ama ni Andrea 'di ba? Sabi mo trabaho ng mga pulis na magtanggol ng mga tao at humuli ng mga masasama? Bakit—"

"Ayoko siyang mapahamak—ayokong may mapahamak sa isa man sa inyo dahil lang sa akin." Tinitigan ko siya sa mga mata, kinukumbinsing pumanig sa parehong pahina. "Drystan, makinig kang mabuti sa akin . . . Mas marami at makapangyarihan ang mga masasamang tao sa lugar na ito. Mapapahamak lang si Mr. Pariedo o ang kahit na sinong magtatangkang kumalaban sa kanila. Sa ngayon, hindi ko kayang lumaban. Sa ngayon, ang magagawa ko lang ay manatiling buhay hanggang sa kaya ko nang umalis sa lugar na ito. Naiintindihan mo ba ako?"

Lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha hanggang sa marahan siyang tumango. Gano'n na lamang din ang ginawa ko.

"Patawarin mo ako . . . Hindi na naman kita naprotektahan," puno ng kalungkutan niyang wika.

"Hindi mo ako kailangang protektahan. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Sa katunayan, handa akong gawin ang lahat para maisalba lang ang sarili ko, at dapat gano'n ka rin. Dapat gawin mong prayoridad ang sarili mo bago ako o ang ibang tao," paaalala ko sa kanya.

"Ikaw muna ang prayoridad ko, tapos sina Chaplin, Andrea, at Ringo. Pagkatapos ko, bahala na silang lahat," inosente niyang giit, walang kamalay-malay sa bigat ng mga salitang binibitiwan niya.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon