chapter nineteen | run

5.4K 529 108
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dumagundong ang puso ko't hindi ko magawang lumingon kay Drystan. Nakahawak siya sa kamay ko habang naglalakad kami sa ilalim ng makukulay na ilaw. Nakasunod lamang siya sa bawat hakbang ko, tila ba isang piraso ng bagay na nagpapatianod sa alon.

Natatakot akong makita ulit ang lungkot at takot sa mukha niya dahil alam kong wala akong magagawa para maibsan ito. Hindi ko rin siya magawang hawakan pabalik dahil alam ko sa sarili kong darating ang araw na kailangan ko siyang bitiwan.

"Nandiyan lang pala kayo!" Pareho kaming nahinto ni Drystan sa paglalakad nang makasalubong namin si Chaplin na tumatakbo, pawisan at humahangos. Hinintay namin si Chaplin hanggang sa tuluyan siyang makalapit.

"G-Gago ka, Drystan! Sabi sa 'yong okay lang si Helga! Sa—" Nanlaki ang mga mata ni Chaplin at kaagad niyang tinakpan ang bibig. Dali-dali naming nilibot ang paningin sa paligid, mabuti na lang at walang ibang nakarinig sa pangalan ko. Mahirap na.

"May nakita akong bata. Tinulungan ko lang saglit." Bumuntonghininga na lamang ako. 

Agad na sinaaman ni Chaplin ng tingin si Drystan. "Sabi sa 'yong kumalma lang, e! Dito siya pinanganak at lumaki kaya sa ating lahat, siya ang hindi maliligaw sa lugar na 'to."

"E, sa akala ko iniwan na niya ako!" katuwiran naman ni Drystan.

Naalala ko bigla ang sarili ko kay Drystan. Noong bata pa ako, minsan na rin akong naligaw sa lugar na ito. Akala ko rin ay iniwan ako ng mga magulang ko. Takot na takot ako noon, pero mabuti na lang at may nagmagandang loob na maibalik ako sa mga magulang ko.

"Ang kambal pala?" tanong ko na lamang nang mapansing walang nakasunod kay Chaplin.

Bumuntonghininga si Chaplin at napamewang. "Nag-panic din ang Andrea dahil dito kay Drystan. Hayun, pinuntahan ang tatay niya para magpatulong sa paghahanap sa 'yo. Siguro sumunod 'din ang multo kasi wala akong na akong nararamdamang kakaibang lamig sa paligid."

Napapikit ako nang mariin at napabuntonghininga na lamang din bago dumilat. "Hahanapin ko na lang si Andrea tutal may ideya ako kung nasaan ang police desk dito."

Lumingon ako kay Drystan at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. Hinila ko siya patungo kay Chaplin at pinagbigkis ko ang mga kamay nilang dalawa.

Naguguluhan man, tila ba naging sunod-sunuran si Drystan at nanatiling nakahawak kay Chaplin. Ang huli naman ay hindi nakapagsalita sa gulat, kunot-noong nakatingin sa akin habang nakaawang ang bibig. 

Unti-unting nagkatinginan sina Drystan at Chaplin, parehong nalilito habang magkahawak ang mga kamay. Muntikan tuloy akong matawa nang wala sa oras.

"Magkita tayo sa harapan ng carousel pagkatapos ng mga sampung minuto," bilin ko na lamang at agad na naglakad paalis.

Nang tuluyan akong makalayo sa kanila, doon lang tuluyang nakaramdam ng ginhawa ang puso ko. Ang totoo'y gusto ko munang lumayo nang sandali mula kay Drystan. Natatakot ako sa hinihiling niya sa akin, pero mas natatakot akong makita ang lungkot sa mga mata niya oras na malaman niya ang pasya kong hinding-hindi na magbabago pa.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon