chapter twenty-nine | the death of me

4.6K 429 153
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ringo


Kamatayan. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang salita. Masyado akong masaya sa buhay ko para matakot. All of my concerns were about whether I looked cool or not. All I ever worried about was my reputation and how other people thought of me. I don't know. I guess I'm just a sucker for attention and adoration.

I tried so hard to be liked by other people, so much that I didn't even care about those who already loved me for who I was.

They say you don't really know what you got till it's gone. As for me, I only realized the value of what I had until I was gone.


"B-Buhay pa ako! Hindi ako puwedeng mamatay! Buhay pa ako! Parang awa n'yo na, d-dalhin n'yo ako sa ospital!" paulit-ulit kong sigaw habang pinapanood ang mga taong nakapalibot sa nakahandusay at duguan kong katawan.

Nakita ko si Andrea nakaupo malapit sa katawan ko. Nakatulala siya habang umiiyak, mahigpit ang hawak sa lupaypay at bali-bali kong kamay. 

"Andrea! Andrea, nandito ako! A-Ang boses ko! Andrea, pakinggan mo ang boses ko! Nandito ako!" Buong lakas akong sumisigaw, umiiyak, at nagmamakaawa kay Andrea na dinggin ang tinig ko.

Takot na takot ako't litong-lito sa mga nangyayari. Gusto kong umuwi. Gusto kong makita sina mama at papa. Gusto kong magising sa kuwarto ko't malaman na panaginip lamang ang lahat. 

Pumikit ako nang mariin, mabigat ang bawat hininga.

Sana panaginip lang ang lahat. Isa lang itong napakasamang panaginip. Buhay pa ako. Hindi ako puwedeng matay. Paulit-ulit kong sigaw sa isip ko.

Napakarami pa naming plano ng mga kaibigan ko. Marami pa akong gustong gawin at gustong maranasan. At higit sa lahat, gusto ko pang makasama sina Mama, Papa, at Andrea. 

"Minsan gusto ko na lang sabihin na magka-apelyido lang kami. Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kakambal—"

"Bakit sa pamilyang ito pa ako ipinanganak . . . "

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga huling salitang binitiwan ko sa pamilya ko, pati na ang sakit na nakita ko sa kanilang mga mata. Napailing-iling ako, hindi makapaniwalang dito lamang pala hahantong ang lahat.

Hindi ko dapat iyon sinabi sa kanila. Kung alam ko lang na 'yon na ang huli naming pag-uusap, sana ginamit ko ang mga huli kong salita para makapagpasalamat at humingi ng patawad.

***

Ayon sa mga palabas, may liwanag daw na naghihintay sa mga namayapa. Pero mula nang matagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa tabi ng nakahandusay at duguan kong katawan, wala akong ibang nararamdaman kundi lamig at kadiliman. Ni sinag ng liwanag, wala akong napapansin o nadarama.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon