Helga
Bata pa lang ako, malapit na ako sa pamilya ng mga Romeo. Bukod sa matalik na kaibigan nina Lolo't Lola ang ilang myembro ng pamilya nila, sa pagkakalam ko'y matagal na talagang magkaibigan ang angkan ng mga Santana at Romeo. Dahil dito, akala ko'y kilalang-kilala ko na ang pamilya nila, lalo na si Tiyo Salvador . . . ngunit mali ako.
Nakatayo lamang ako sa sulok ng video shop habang pinapanood si Tiyo Salvador na inaayos ang isang maliit na altar kung saan nakapatong ang graduation photo ni Ringo. Nagtirik siya ng tatlong kandila sa harapan ng litrato at lumuhod sa harapan nito.
Nagkatinginan kami nina Drystan at Chaplin nang nagsimulang umusal si Tiyo Salvador ng tila ba dasal sa isang lengguwaheng hindi naman alam. Halos thirty minutes din niya itong ginawa kaya naman halos makatulog na si Chaplin sa sobrang pagkabagot.
"Hindi mo naman sinabi na espiritista pala ang boss mo," bulong sa akin ni Chaplin.
Nagkibit-balikat na lamang ako kasi wala rin naman akong kaide-ideya. Akala ko isa lang siyang propesor na maraming negosyo. 'Yon din kasi ang palaging sinasabi ng lolo at lola ko.
Pagkatapos ng tila ba pagdarasal ni Tiyo Salvador, inutusan niya sina Drystan at Chaplin na bumili ng makakain. Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Drystan na iwan ako kaya naman tinanguan ko siya at nginitian upang siguraduhin sa kanyang magiging maayos lang ang lahat.
Sa lahat ng matatanda rito sa La Bianco, si Tiyo Salvador ang alam kong pinakamaasahan ko. Napakalaki rin ng utang na loob ko sa kanya. After all, siya ang sumagip sa buhay ko.
Nang kaming dalawa na lamang ni Tiyo Salvador ang natira sa loob ng shop, hindi ko na napigilang lumapit sa kanya.
"Nagulat ka siguro sa kakayahan kong makakita at makipag-usap sa multo . . . " Ngumiti siya sa akin nang tipid, ang dalawang kamay ay magkahawak sa likuran.
Tumango naman ako at ngumiti pabalik bago bumaling ng tingin sa litrato ni Ringo. "Nakakagulat, pero mas higit po ang pasasalamat ko sa 'yo. Bukod sa akin, pati ang kaibigan ko ay tinutulungan n'yo rin."
BINABASA MO ANG
The Boy in the Mirror
RomanceFeeling trapped in the cold town of La Bianco, all Helga wanted was to start a new life in a city where no one knows her name. Forcefully trapped in a mystical mirror for decades, all Drystan wanted was to break free and live again. When they meet...