chapter fourteen | oh, brother

7.4K 752 631
                                    

And we're back! Sorry ulit sa matagal na pagkawala <3

And we're back! Sorry ulit sa matagal na pagkawala <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil sa sigaw ni Chaplin, kumaripas ako ng takbo patungo sa sala. Abot-langit ang takot at kaba ko, ngunit napako ako sa kinatatayuan dahil sa nadatnan.

"Anak, huminto ka nga sa kakasigaw! Kakalbuhin ka lang naman! Tutubo pa rin ang buhok mo!" sigaw ni Tito Jaime habang hinahabol si Chaplin, bitbit ang isang electronic shaver na may pagkahaba-habang kable.

"Papa, ayoko! Hindi japorms 'yon!" Mangiyak-ngiyak namang giit ni Chaplin na parang tumatakbo na para sa kanyang buhay.

Habang abala sila sa paghahabulan, mabilis hinanap ng mga mata ko si Drystan. Lumubog ang puso ko nang makita ko siyang nakaharap sa salaming nakalagay sa ibabaw ng isang altar.

"Drystan!" Nagsimula akong humakbang patungo sa kanya, pero bigla na lamang siyang lumingon sa akin.

"Helga, tingnan mo!" Abot-tainga ang kanyang ngiti, tila ba isang batang tuwang-tuwa.

"Ano?" Sa sobrang kalitutan, tinakbo ko ang distansya sa pagitan namin. Lalo lamang akong nagulat at nalito nang makita ko ang repleksiyon naming magkatabi sa salamin.

Paanong may repleksiyon siya? Wala naman ito kagabi, a? 

"Nakakapanibago na nasa iisang lugar tayo at magkatabi! Sa wakas, malaya na talaga ako!" Tuwang-tuwa niyang ipinatong ang palad sa ibabaw ng ulo ko habang hindi inaalis ang tingin sa repleksyon naming dalawa. "Tingnan mo, o? Nahahawakan na kita!"

Litong-lito man, mas nangibabaw pa rin ang tuwa ko lalo na't nakikita kong napakasaya ni Drystan. Malaya siya at masaya, ito ang mahalaga.

Kumikirot man ang braso ko, pilit ko itong itinaas. Gaya niya, ipinatong ko ang palad sa ibabaw ng kanyang ulo. 

Pareho kaming napatingin sa repleksiyon ng isa't isa, hindi matanggal-tanggal ang mga ngiti sa mukha namin. 

"Ang liit mo pala!" Nagsimula siyang tumawa at nakuha pang guluhin ang buhok ko.

"Aaway-awayin mo na ako ngayon, Drystan?" pabiro kong binaba ang kamay ko sa kanyang tainga at hinawakan ito.

Para kaming mga tangang lalong naghagikgikan ni Drystan, sa kabila nito, walang bumibitiw o nag-aalis ng tingin sa isa't isa. 

"Anak anong ginagagawa ng mga kaibigan mo?"

"Hayaan mo na sila, Pa. Nasiraan lang 'yan sila ng gutom."

Lalo lang kaming nagtawanan ni Drystan nang marinig naming pinag-uusapan na kami nina Chaplin at ng kanyang ama.

***

Habang nagbabangayan sina Chaplin at Tito Jaime sa hapagkainan, pasimple kong tinuturuan si Drystan kung paano gumamit ng mga kubyertos tutal magkatabi lamang kami. Madali siyang natuto kaya ilang sandali lang ay nakaya na niyang kumain nang walang tulong mula sa akin. 

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon