Helga
"Tao po!"
"Andrea! Ringo!"
"Gago ka, Drystan! Hindi nila alam na nakikita n'yo si Ringo!"
"Shhh! Huwag nga kayong mag-away!"
"Hindi naman kami nag-aaway, Helga. Tinawag niya lang akong gago."
"Helga, paano ba natatagalan ang isang 'to?"
"Kasi mahal niya ako?"
"Drystan, manahimik ka nga!"
"Ouch! Manahimik ka raw, o?"
"Chaplin, 'wag ka ngang manggatong!"
Natahimik kaming tatlo nang bigla na lamang bumukas ang gate at tumambad sa amin si Mrs. Pariedo na nakasuot pa ng apron. Nakakapanibagong makita siya, at mas lalong nakakapanibago ang maaliwalas na ngiti sa kanyang mukha.
"Tatlo lang kayo pero daig n'yo pa ang isang barangay sa sobrang ingay," biro nito sa amin at kaagad na nilakihan ang pagkakabukas ng gate. "Pasok kayo. Tamang-tama, ginawan ko ng champorado si Andrea, ipaghahain ko rin kayo."
"Champorado!" The three of us looked at each other and started jumping around like a trio of fools.
Our moods have completely changed from the moment we learned that Andrea called Chaplin to say that Ringo has returned. Akala mo hindi kami nanggaling sa matinding iyakan.
***
Kung puwede lang naming yakapin si Ringo, ginawa na namin. Kaso, paano mo nga ba yayakapin ang isang multo?
"Ringo, saan ka ba galing?! Alam mo bang naghahanap na ako ng pusa para kumuha ng muta?!" mangiyak-ngiyak na bulalas ni Chaplin kahit pa ni minsan ay hindi niya pa nakikita o naririnig man lang ang boses nito.
Humalakhak lamang si Ringo habang nakaupo sa kama, katabi si Andrea na magang-maga pa ang mga mata sa kaiiyak.
"Tinakot mo kaming lahat, Ringo," wika naman ni Drystan na abot-tainga ang ngiti at maluha-luha ang mga mata. Kung wala lang kaming ibang kasama, niyakap ko na siya nang mahigpit.
"Salamat at bumalik ka. Alalang-alala kaming lahat sa 'yo," sabi ko naman.
Bumungisngis si Ringo at madramang humawak sa kanyang dibdib, may papikit-pikit pa na tila ba kinikilig. "Alam kong mahal n'yo ako, pero hindi ko naman inakalang ganito ka tindi!"
BINABASA MO ANG
The Boy in the Mirror
RomanceFeeling trapped in the cold town of La Bianco, all Helga wanted was to start a new life in a city where no one knows her name. Forcefully trapped in a mystical mirror for decades, all Drystan wanted was to break free and live again. When they meet...