Andrea
"Talaga? Pakisabi sa kanya na hindi siya nami-miss ng kakambal ko."
"Ano ba! Bwisit na bwisit na ako sa 'yo!"
"Ayoko ngang makasamakayo! Hindi ka ba talaga marunong umintindi?!"
"Kayo ang problemako! Ayokong makasamakayo! Leave me alone!"
Napakahirap para sa aking bitiwan ang mga salitang ito, at napakasakit makita ang reaksiyon sa kanilang mga mukha. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ang mga mahal ko pa ang kailan kong saktan?
It broke my heart to push my friends away, but for my brother, I had to endure. Ayoko siyang mawala sa buhay ko. Kahit bilang multo man lang, gusto ko siyang manatili sa tabi ko. At ganoon din siya.
Kung kailangan kong maging miserable para patuloy akong handugan ng langit ng pagkakataong makasama si Ringo, gagawin ko.
"Wala kang dapat ikahiya kung nagseselos ka sa pagiging malapit nina Ringo at Drystan! Normal lang 'yon! Ako rin naman, a? Nagseselos din ako minsan kasi pakiramdam ko'y pinagpapalit na ako ni Helga kay Drystan!"
"Paano naminmaiintindihan kung sinasarili mo lang?! Andrea, nandito kami para sa inyo! Parasa inyo ni Ringo!"
Umiling ako't marahas na sinabutan ang sarili nang bumalik sa isip ko ang umiiyak na mukha ni Chaplin.
Nakakalungkot ang pagiging pursigido ni Chaplin. Kahit nasasaktan ko na sila, pilit pa rin niya akong binibigyan ng pagkakataon. Lalong nagiging mahirap para sa akin ang lahat.
Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng pagkakaibigan namin, sana hindi na lang ako nagpumilit na pumasok sa mga buhay nila. Sana naging estranghero na lamang kami sa buhay ng isa't isa.
"Andrea?"
Nang marinig ang boses ni Ringo mula sa labas ng silid, dali-dali akong naupo sa kama at nagpunas ng mga luha. Huminga ako nang malalim at agad na nagsuklay ng buhok gamit ang mga daliri. Nang pakiramdam ko'y okay na ang hitsura ko, agad kong binuksan ang pinto.
"Ba't umuwi ka agad? Ang saya doon sa video shop. Maraming bagong dating na tape," pang-aasar ni Ringo sa akin kaya ngumiti na lamang ako.
Mula nang makabalik si Ringo pagkatapos biglang maglaho, wala siyang ibang ginawa kundi manatili sa tabi nina Mama at Papa. Sa tingin ko ay natatakot siyang maglaho ulit kaya naman sinusulit niya ang bawat sandaling kasama sila. Ngayon lang siya ulit tumambay kasama nila kaya sana naman nag-enjoy talaga siya . . . at sana wala itong masamang epekto sa kanya. Ayokong bigla nalang siyang maglaho ulit.
Sinara ko ang pinto at muling nahiga sa kama ko. "Ringo, next week pumunta tayo sa kabilang lungsod. Nabalitaan ko kasing may bagong comics store doon. Tamang-tama, binigyan ako ni Papa ng—"
BINABASA MO ANG
The Boy in the Mirror
RomanceFeeling trapped in the cold town of La Bianco, all Helga wanted was to start a new life in a city where no one knows her name. Forcefully trapped in a mystical mirror for decades, all Drystan wanted was to break free and live again. When they meet...