chapter nine | hello, twins

7.6K 828 251
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Tama na! Tumigil na kayo!" Malinaw sa pandinig ko ang mga sigaw at palahaw ni Drystan.

Pilit akong pumikit habang tinatanggap ang bawat palo ng latigo sa balat ko. Parang nagbabaga ang katawan ko dahil sa matinding sakit at hapdi, pero hangga't sa kaya ko ay pinipigilan kong sumigaw at umiyak. Hangga't sa kaya ko, ayaw kong makita ni Drystan na nasasaktan ako sa ginagawa nila.

Kinakagat ko ang labi ko upang mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak at pagsigaw. Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo pero pilit ko itong binabalewala.

"Pakiusap, tama na! 'Wag n'yo na siyang saktan! Tama na!"

Akala ko sanay na ako sa lahat ng sakit at pagpapahirap na binibigay nila sa akin lalo't halos buwan-buwan naman nilang ginagawa, pero mali ako. May mas hihigit pa pala.

"Helga, patawad! Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko 'to! Tama na! Tama na! Hindi na niya kaya! Tama na!"

Parang pinupunit ang puso ko habang naririnig si Drytan na sumisigaw at nagmamakaawa sa kanila. Naririnig ko siyang kumakalampag sa salamin, paulit-ulit na humihingi ng tawad sa akin at walang humpay silang pinapahinto kahit kailanman ay hindi siya maririnig ng mga ito.

"Margarita parang hindi yata siya tinatablan?" Narinig kong bulalas ng isa sa mga babae.

"Lakasan n'yo nang malupig natin ang demonyo sa katawan niya!" bulalas ni Margarita dahilan para mas lalo pang lumakas ang bawat hagupit ng latigo sa katawan ko.

"Hindi! Tama na! Tama na!" Lalo namang lumakas ang mga palahaw ni Drystan.

Sa huli, kahit na anong pigil ko, pinagtaksilan pa rin ako ng mga luha ko. 

Alam kong wala na akong takas mula sa kanila. Tanggap ko na ang katotohanan na kahit na anong gawin ko, talo pa rin ako. Ang tanging magagawa ko na lang ay magtiis, magtiis dahil pasasaan man at matatapos din ang lahat ng pagdurusa ko.

Magiging masaya rin ako. 

Sa ngayon kailangan ko lang magtiis at alalahanin ang lahat ng masasayang alaalang meron ako.

***

Natagpuan ko ang sarili kong nakabulagta sa gitna ng isang madilim na eskinita. Basang-basa man at nanginginig sa lamig, mas nangingibabaw ang nararamdaman kong matinding sakit at hapdi sa katawan.

"D-Drystan?" tawag ko sa pangalan niya, nagba-baka sakaling may salamin sa malapit at maririnig niya ang boses ko.

"D-Drystan, nandiyan ka 'di ba?" Hinang-hina man at namimilipit sa sakit, pinilit ko pa ring magsalita. 

Mariin akong lumunok upang mapigilan ang nagba-badya kong hikbi. "Drystan, okay lang ako. Naririnig mo ba ako?"

Naghintay ako nang ilang sandali, ngunit walang naging katugon ang mga salita ko. 

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon