chapter thirty-five | bloodlines

4.1K 413 132
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Helga


Kailangan mong patayin si Drystan para mabuhay.

Kung hindi mo ito gagawin, ikaw ang mapapahamak at siya ang tuluyang mabubuhay


Tila ba nakalutang ang isip ko dahil sa mga narinig at natuklasan. 

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat.

Bakit kailangang kami ang magdusa sa kasamaan ng ibang tao?

"Helga?"

Nag-angat ako ng tingin nakita ko ang pagbubukas ng pinto sa harapan ko. Lumabas mula rito si Drystan na nakasuot ng apron at may napakatamis na ngiti sa labi. "Kanina pa kita—teka, bakit ka umiiyak?"

Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit, at kasabay nito ang tuluyang pagguho ng mga emosyon ko.

"Helga, b-bakit?!" Ramdam ko ang labis na pag-aalala ni Drystan. Yumuko siya upang tingnan ako sa mga mata kaya naman niyakap ko siya nang mas mahigpit at lalo ko pang binaon ang mukha ko sa dibdib niya.

Sa kabila ng kanyang kalituhan, unti-unti niya akong niyakap pabalik.

In his embrace, I found comfort and warmth. But unlike before, this time, it only lasted for a few moments. In the end, I couldn't help but fear what fate has in store for us.

***

Pikit-mata akong nakasandal sa balikat ni Drystan habang nakaupo kami sa sofa. Pilit kong binubura ang isipan ko habang nakakulong sa yakap niya.

"Tungkol ba ito kay Ringo?" Naramdaman ko ang banayad niyang paghaplos sa pisngi ko.

Hindi ako sumagot at sumiksik lamang lalo sa dibdib niya.

"May sinabi bang masama ang Tiyo Salvador mo?" 

Unti-unti akong dumilat at tumingala upang malayang mapagmasdan ang maamo niyang mga mata. 

"Helga, hindi ako mapapalagay hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang nangyayari . . . " tila bulong niyang sambit habang nakatitig pabalik sa sa mga mata ko.

Umiling lamang ako at pilit na ngumiti para sa kanya. "Wala akong pinagsisisihan . . . "

Sumiksik ako muli sa kanyang dibdib at niyakap siya nang mahigpit.

Natatakot ako sa maaring kahantungan namin ni Drystan ngunit sa kabila nito ay wala akong pinagsisisihan. Kung babalik ako sa araw kung kailan ko binasag ang salamin, wala pa rin akong babaguhin. 

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon