chapter twenty-eight | the death of you

4.8K 477 202
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ANDREA


When you have a twin sibling, the word alone is pretty much non-existent. It's always share and together. Through ups and downs, rain or shine, mundane or special days, we always have each other—at least, that was how it used to be.

18 minutes after Ringo was born, I followed. Since then, we have been inseparable. We always came in two. We always received gifts in pairs. We had one room and he selflessly let me have the top part of our bunk beds. Wherever we go, we come as a package. 

I never felt scared or worried because I knew I had my brother that I could always rely on. I never wanted any playmate because his company always felt enough. 

By the time we turned ten, our parents got him his own room. He was so happy, while I shamelessly cried buckets of tears. And I was right to feel upset because from that moment, it felt as if we slowly drifted apart . . . he slowly drifted away from me. 

"Andrea naman, e! Kuwarto ko 'to! Bakit ba lagi kang nandito?!" reklamo ni Ringo nang minsan niya akong madatnang nagbabasa ng komiks sa kuwarto niya.

"Kung ayaw mo akong pumasok, edi lagyan mo ng lock!" pagtataray ko sa kanya. 

Kinabukasan, pinalagyan niya nga ng lock ang kuwarto niya kaya iyak na naman ako nang iyak.

Truth be told, I was more confused than upset. Why was I suddenly not allowed near him? Why does it feel like my presence is bothering him, when we are basically each other's half?

Makulit, nakakairita, iyakin—lahat na yata nasabi niya sa akin pero sa kabila nito ay buntot pa rin ako nang buntot sa kanya. Wala e, sa kanya lang ako komportable. Nagkaroon siya ng sarili niyang mga kaibigan pero pilit kong siniksik ang sarili ko sa grupo niya, sa grupo nila.

Isang araw, kinausap ako ni mama. Pinaliwanag niya sa akin na kailangan ko ring maghanap ng sarili kong mga kaibigan. Hindi ko napigilang magtanong sa sarili ko—hindi ko ba puwedeng maging kaibigan ang mga kaibigan ni Ringo? Hindi ba puwedeng bumuntot ako nang bumuntot sa kanya?

Saling-pusa. Iyon ang salitang palaging tinutukso sa akin ng mga kaibigan ni Ringo, at sa totoo lang, kahit hindi nila sabihin, iyon din ang naramdaman ko. Sa kabila nito, pinilit ko pa ring manatili sa tabi niya, kung saan ako pinaka-komportable. 

Kahit nang nasira ang bunk beds sa kuwarto at kinailangan nang palitan, pinilit ko si Papa na bunk beds pa rin ang maging anyo nito—nagbabaka sakali pa rin ako na dumating ang araw na mapagtripan ni Ringo na matulog ulit sa kuwarto namin.

Pagtungtong ng high school, inilagay kami sa magkaibang section. Dahil dito, hirap na akong bumuntot kay Ringo. Hinahanap ko siya sa tuwing recess kahit pa alam kong pinagtataguan niya ako. Kahit sa pag-uwi ay halos inaabangan ko siya sa labas ng classroom niya.

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon