Napasinghap ako nang tumama sa akin ang malapot at mabahong likido na may kasama pang mga basura. Mariin akong pumikit, pigil ang hininga habang hinahayaan itong pumatak pababa sa mukha ko.
Umatras ako pabalik sa loob ng bathroom stall at nagkulong. Mas mabuti pang manatili ako rito dahil tiyak pagtutulungan lang ako ni Vilmae at ng mga kaibigan niya.
"Oh my! VIlmae, I can't believe you just did that!" Narinig ko silang nagtawanan.
"Hindi ka ba takot ma-curse? 'Di ba she's evil and all that?" sabi naman ng isa.
"As if!" Narinig ko ang matinis na halakhak ni Vilmae. "I am protected by God's grace na. Last night, I got this amulet that will protect me from evil forces like her."
Bahagya akong napatalon nang sinipa ni Vilmae ang pinto. "You hear that, Freak? Your darkness has no power over me! Just die and go straight to hell where you truly belong!"
"Oo nga! Magsama kayo ng family mo na kampon ng demonyo!"
Marami silang mga sinabing masasakit na salita at gaya ng lagi kong ginagawa, tinakpan ko lang ang tenga ko at pilit na kinanta sa isip ang mga paborito kong awitin.
Balang araw, makakaalis din ako sa impyernong 'to.
***
"Oh? Bakit ang aga mo ulit ngayon? Wala ka bang -- anong nangyari sa'yo?!" bulalas ni Ms. Shirley sa pagpasok ko ng shop. Mabilis siyang napatakip sa ilong dahil na rin sa sangsang ng amoy ko.
"Nahulog lang po sa kanal. Makikiligo lang po muna," paalam ko at agad na tumakbo patungo sa banyo. "Lilisin ko na lang po ang sahig mamaya!" sabi ko pa dahil sa mga bakas ng duming naiiwan ko sa sahig.
Mabuti na lang talaga at lagi akong nag-iiwan ng extrang damit dito. Natuto na ako sa daming beses na nangyari ito sa akin.
Lumabas ako sa banyo na bagong ligo. Nakakainis dahil black t-shirt at palda lang pala ang naitabi ko rito. Walang kasamang jacket.
Matapos malinis ang mga bakas na iniwan ko, naupo ako sa counter at isa-isang kinilatis ang mga gamit sa bag ko. Kahit papaano ay masaya ako dahil walang masamang nangyari sa walkman ko, pati na sa mga baon kong casette tapes.
Pilit kong itinuon ang atensyon sa pagtatala ng mga bagong deliver na CD, VHS, at cassette tapes. Isa-isa ko pa silang nilalagyan ng sticker, tanda na pagmamay-ari ito ng Romeo Videos.
Narinig kong bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang babaeng may kasamang bata, siguro ay anak niya ito. Bumakas ang pagkabahala sa mukha niya ng makita ako kaya umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.
Suki namin ang babaeng 'yon, pero dahil sa takot niya sa akin, sa araw siya pumupunta upang huwag akong makita. Night shift ako lagi eh. Sorry siya, day shift muna ako ngayon.
BINABASA MO ANG
The Boy in the Mirror
RomanceFeeling trapped in the cold town of La Bianco, all Helga wanted was to start a new life in a city where no one knows her name. Forcefully trapped in a mystical mirror for decades, all Drystan wanted was to break free and live again. When they meet...