chapter three | the ray of hope

10.7K 969 415
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising ako dahil sa mga huni ng ibon mula sa bintana. Humilig ako sa direksyon nito at natanaw ang sinag ng umagang nagsisilbi kong pag-asa.

Dahan-dahan akong bumangon lalo't masakit pa ang buo kong katawan. Napatiingin ako sa braso ko at gaya ng inaasahan ay puno na naman ako ng mga pasa at sugat. 

"Balang araw, makakaalis din ako sa impyernong 'to," bulong ko sa sarili ko at pumasok na lamang sa banyo.

Habang nagsisipilyo, napaharap ako sa salamin. Sa isang iglap, bigla akong may naalala.

"Ang pangalan ko ay Drystan. May nagkulong ng kaluluwa ko rito sa salamin at kailangan ko ng tulong mo."

Nahinto ako sa pagsisipilyo at napatitig sa sarili kong repleksyon. Panaginip lang ba 'yon?

Matapos makapagbihis, dali-dali akong tumungo sa basement dala ang flashlight ko. Nang tuluyang makababa, nadatnan ko ang gaserang naubusan na ng apoy. Bigla kong naalalang naiwan ko nga pala ito rito matapos magmadaling umalis.

"The mirror..." Napasinghap ako nang maalala ang salamin at ang lalakeng nakita ko rito.

Kinakabahan man, tumakbo ako patungo sa dulo ng silid. Determinado na akong malaman kung totoo ba talaga 'yong nakita ko o gawa-gawa lang ng pagod kong isip.

"Sabi nang nanabaliw lang ako." Hindi ko napigillang matawa nang makita ang salamin. Sariling repleksyon ko lang ang nakikita ko, walang lalake o kahit na ano.

"Sinabi mo pa. Maayos 'yong pag-uusap natin kagabi tapos bigla mo lang akong tinakbuhan?!" Bigla na lamang lumitaw ang mukha ng lalake sa tabi ko.

Bumagsak ako sa maruming sahig, nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig. "A-Anong..."

"Heto na naman tayo." Bumuntong-hininga siya at mariing pumikit. "Kailangan ko na naman bang ipakilala ang sarili ko sa'yo?"

Napatitig ako sa bawat detalye ng kanyang mukha. Mula sa makakapal na kilay, tulay ng ilong, mapupulang labi, at dimple na lumilitaw sa tuwing siya'y ngumingiti.

"T-Totoo ba talaga ang sinasabi mo?" Halos hangin ang lumabas mula sa bibig ko dahil sa malakas na paghangos.

Dumilat siya sabay kiling ng ulo sa kanan. Kung makatingin sa akin, para bang bagot na bagot. "Tingnan mo nga kung nasaan ako? Hindi pa ba 'to sapat?"

Napasimangot naman ako at tumayo sabay pagpag sa suot na pajama. "Pasensya lang, ha? Hindi lang makapaniwala na may kausap akong kaluluwa na nakakulong sa loob ng salamin."

Umayos siya ng tindig sabay buntong-hininga. Bahagya niyang iwinasiwas ang kamay. "Tinatanggap ko ang paghingi mo ng kapatawaran. Sige na, pakawalan mo na ako."

Kung makautos!

Napasinghal ako at napairap. Kung hindi lang masakit ang mga braso ko, napahalukipkip na ako. "At bakit naman kita pakakawalan? Si Genie ka ba na bibigyan ako ng tatlong wish?"

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon