chapter five | the paper time machine

10.1K 1K 650
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagpasok ko sa shop, sumalubong kaagad sa akin si Ms. Shirley na tila ba nagmamadaling umalis.

"Helga, nagkaroon ng family emergency si Nelly sa Maynila. Ihahatid ko muna siya sa terminal. Okay lang ba kung doon ka pa rin sa bahay tumira nang pansamantala? Hindi ako mapapalagay kung walang tao roon," aniya na tila ba nakikiusap.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Okay lang po."

"Okay lang na mag-isa ka doon?" tanong niya, ngayo'y may bahid ng pag-aalala sa mukha.

Tumango ako ulit at nanatiling taas-noo. Tatlong taon na rin naman akong nabubuhay nang mag-isa. Wala nang bago. Mag-iingat na lang ako nang 'wag akong masundan ng mga matatandang nakapula.

Marahan niya akong hinaplos sa balikat. "Hayaan mo, tuloy-tuloy naman kitang papa-swelduhin sa bawat araw mo doon. Dadagdagan ko rin ng isang daan para sa pagkain mo."

Naging abot-tenga ang ngiti sa mukha ko. Apat na raan sa bawat araw ko doon? Sige ba! Mas mapapabilis nito ang pag-alis ko sa impyernong 'to!

Nang tuluyan siyang umalis, lumapit kaagad ako sa counter at ipinatong rito ang backpack ko. 

Nakapagtataka ang katahimikan sa paligid kaya naman napatingin ako sa malaking salamin na nasa kabilang bahagi ng silid, katapat lang ng counter.

Nakita ko si Drystan, nakatayo lang siya habang nakatulala. Pansin ko ang magkahalong kalituhan ang gulat sa kanyang mukha.

"Dito pala ako nagta-trabaho pagkatapos ng klase. Night shift ako kaya ako na rin ang--"

"Ano 'tong nasa paligid? B-Bakit maraming mga mukha? Nakakulong din ba sila gaya ko? A-Anong klaseng lugar to?" Nanunubig ang nanlalaki niyang mga mata.

Nagtaas siya ng mga kamay at nakita kong dumampi ang kanyang mga palad sa ibabaw ng salamin. Labis akong naawa sa kanya nang mapansin ang tila ba mga sugat at latay sa kanyang palad.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin... Siguro araw-araw niyang kikalampag ang salamin, sinusubukang makawala mula sa kulungang walang hanggan. Walang tumutulong sa kanya. Kahit sarili niya, hindi niya kayang tulungan.

Huminga ako nang malalim at mariing lumunok, pilit na binabalewala ang nanunubig ko na ring mga mata.

"Ang tawag sa kanila, mga litrato. Ang mga tao na nakikita mo sa litrato, malaya sila. Hindi nakakulong ang mga kaluluwa nila," mahinahon kong paliwanag nang may ngiti sa mukha. 

"P-Pero paanong nalagay ang mga mukha nila diyan?! Hindi ba sila gumagalaw?!" tanong niya, hindi pa rin mapalagay.

Siguro napaka-overwhelming ng lahat ng 'to para sa kanya. Matagal siyang nakulong sa salamin kaya bago sa kanya ang mga nakikita sa paligid.

Dinukot ko mula sa backpack ang pitaka ko. Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang pinakamahalagang litrato para sa akin.

"Ito ang huling litrato na kasama ko ang mga magulang ko," kaswal kong pagmamalaki. "Ang litrato, para itong isang repleksyon ng kasalukuyan na naging isang alaala ng nakaraan."

The Boy in the MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon