Chapter 2

36 2 0
                                    

Chapter 2

Wrong timing 2: Walang kwenta talaga.

Dumating ako sa lugar kung saan sinet up ng kapatid ko ang date namin ng kaibigan nya. To be honest hindi ko ganong kilala ang lahat ng mga kaibigan nya, may iba na dinig ko na ang pangalan pero di ko naman talaga kilala sa itsura. Kagaya nalang ng magiging date ko ngayon.

Inayos ko ang polo shirt na soot ko bago ako pumasok sa cafe kung saan kami magkikita ni Ariel, ang kaibigan ng magaling kong kapatid.

Pagkapasok ko ay naghanap agad ako ng pwesto sa bandang gilid ng cafe. Walang ganong tao sa cafe siguro dahil malayo layo ito at medyo liblib. Maaga ako ng ilang minuto dahil iyon ang bilin sa akin ni Tanya, dapat daw ay mauna ako dahil hindi raw magandang tignan kung malalate ako.

Umorder muna ko ng inumin habang nag hihintay. Tinignan ko ang aking relos upang tignan ang oras... 5:55pm na, malapit na din mag simula ang party na dapat ay dadaluhan ko kasama ang mga kaibigan. Napailing na lamang ako.

Habang nilalaro ko ang inumin na inorder ay biglang bumukas ang glass door ng cafe. May isang babaeng pumasok at dumiretso na counter. Parang nakita ko na sya diko lang matandaan kung saan.

Nakatingin pa ako sa kanya ng biglang may tumawag sa akin "Tyron" mahinhin na sambit nito na agad nagpalingon sa akin. Nandito na pala ang kadate ko.

"Ahm... sorry nalate ata ako? Kanina kapa?" Malambing na tanong nito. Sa totoo lang ay maganda pala itong si Ariel pero sadyang... hindi ko gusto dahil sa mga naririnig ko sa kaklase ko tungkol sa kanya. Hindi ko man tanda ang mukha nya noo pero lagi kong naririnig ang pangalan nya... o baka hindi sya yon?

"Ah hindi naman kadarating ko lang, upo ka" tumayo ako para alalayan sya sa pag upo nya.

"Thank you, ang gentleman mo pala" malambing nyang tugon ngunit kita sa mga mata ang pang aakit. Hinaplos din nya ang braso ko bago tuluyang makaupo.

"Sakto lang" hilaw ang ngiti kong sagot. "Umorder na tayo? Or may iba kang gusto puntahan?" Tanong ko sa kanya.

"hmmm" malagkit ang tingin nya sa akin na ipinagkibit bakikat ko nalang. "nakakahiya naman pero may alam akong place, let's go?" dagdag pa nito.

"Okay" kibit balikat kong tugon. Marahil ay ayaw nya ng pagkain dito sa cafe at mas gusto nya sa restaurant kagayang ibang babae na kakilala ko.

Sumakay kami sa aking sasakyan patungo sa sinasabi nyang lugar na gusto nyang puntahan. Nung una ay tahimik lang akong nadadrive papunta sa daang tinuturo nya. Hindi ako ganong pamilyar sa lugar dahil hindi naman talaga ko pinapayagan nila mommy na mag drive ng malayo noon at isa pa kakabigay lang sakin last year ng kotse ko kaya diko pa din gano natry mag punta kung saan saan.

Medyo madilim ang nadadaanan namin kahit pa may mga ilaw sa kalsada. Pinaliko nya ko sa isang Kanto na tingin ko ay may malapit na Village dahil may natatanaw akong gate pero bago pa makarating ay pinahinto nya na ko.

"Dito nalang tayo muna walang ganong dumadaan dito ng ganitong oras" Sabi ni Ariel sabagay haplos na aking braso.

"huh? Akala ko ay may pupuntahan tayong resto?" Nagtatakang tanong ko.

Pero di pa man ako nakapagtatanong ulit ay bigla na nya kong sinunggaban ng halik na ikinagulat ako. Hindi naman bago sa akin ang mga wild na babae dahil may mga kaibigan akong ganito pero di ko inaasahan na ganito syang klase ng babae. Marahil ay tama nga ang usap usapan sa campus tungkol sa kanya.

"Wait, Ariel! Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan sya. Ngunit tila wala syang pakialam.

"Why? ayaw mo ba?" Mapang akit na tanong nito at sinubukan pang lumapit lalo sa akin. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari, pinagbigyan ko lang si Tanya dahil sa kakulitan nya pero diko inasahan na ganito. Lalaki ako at hindi perpekto pero ayoko sa mga gantong klase ng babae. Kung sa akin ay ganito sya paano pa sa iba?

"Look, Ariel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo pero kung iniisip mo na kagaya ko ng ibang lalaki..." bumuntong hininga ako "I'm sorry pero kahit ganito ko ayoko sa mga babaeng... tulad mo." Alam ko masakit ang sinabi ko pero mas mainam na alam nya kesa mag utuan kami dito.

"Ihahatid na kita. Ituro mo sa akin ang direkyon." Agad kong pinaandar ang kotse ko.


Nang makauwi ako sa bahay ay humiga agad ako sa aking kama. Gusto kong mag sisisi dahil pinag bigyan ko pa ang kalokohan ng kapatid ko imbis sumama sa mga kaibigan ko. Paniguradong mas masaya doon.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinapa ko ang aking bulsa. Kinuha ko ito upang tignan kung sinong nag message.


Troy:

Tol, sayang di ka pumunta may pasabog na naganap haha btw enjoy sa date!

Agad ko namang tinapon ang cellphone ko sa kama. Naisip ko ang nagyari kanina. Napailing nalang ako. Walang kwenta talaga.

Wrong timingWhere stories live. Discover now