Chapter 35

4 0 0
                                    

Chapter 35: "what happened?"




"Good morning!" masayang bati ko sa mga tao sa bahay.


"Wow! Ang saya ha?" natatawang pambabara sakin ng magaling kong kapatid.


"Syempre naman!" Mayabang kong sagot "osya! Papasok nako, sa school nako magbebreakfast" paalam ko saka diretsong lumabas ng bahay.



Maaga akong nakarating sa university. Actually maaga ako ng 30 minutes bago ang unang subject, balak ko kasing dito kumain kasama si Vien.

Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kanya.


Ako:

Good morning, baby! Nandito na ko sa school. I'm waiting for you! <3


Sinend ko agad ito at nakangiting dumiretso sa cafeteria. Oorder na sana ko ngunit naisip kong baka lumamig lang iyon bago pa dumating si Vien kaya mamaya nalang.



Naupo ako sa isa sa madaming bakanteng mga upuan. Konti palang kasi ang tao dahil madalas ay sa bahay na nagbebreakfast ang mga studyante.

Sinilip ko muli ang aking cellphone ngunit wala pa din reply ito mula kay Vien. Malelate kaya sya?


Ako:

Malelate kaba ngayon? Sayang naman at gusto sana kitang kasabay kumain pero okay lang pwede naman mamaya.


Sinend ko na ulit iyon. Makalipas ang sampung minuto wala pa din syang reply. Baka tinanghali ng gising.

Muli akong nag tipa.

Ako:

Kakain nalang ako mag isa saka papasok sa unang klase ko. Kita tayo mamayang lunch. I love you!

Pagkatapos kong isend iyon ay tumayo na ako para umorder na makakain.

Bumili lang ako ng kape at rice with bacon and egg. Patapos na kong kumain ng biglang dumating si Chris.

"Oh! Bat jan ka kumakain?" Puna nya.

"Saan ba dapat? Sa Cr?" Pambabara ko sa kanya sabay tawa

"Try mo para di ka mukhang kawawa jan" balik nyang pang aasar sa akin.

"Ano namang mukhang kawawa sa kumakain mag isa? Independent kasi ko"

"Lul! Sinong niloko mo?" Natatawa niyang sagot "wag mong sabihing nag away agad kayo ni Vien kaya ka mag isa?"

"Nag away agad? Di pwedeng malalate lang sya? Tara na nga baka tayo pa ang malate!"

Sabay na kaming pumasok sa klase ng makabili sya ng kape nya. Dinala nalang nya iyon at doon ininom.

Natapos ang mga subjects namin pang umaga ng hindi nag rereply si Vivien. Hindi nya sinabi kung di ba sya papasok.

Nagtipa ulit ako ng mensahe para sa kanya habang papalabas kami ng klase

Ako:

Bat di ka pumasok? Tinanghali ka siguro ng gising dahil late ka natulog kakaisip sakin no? Hahahaha okay lang yan naiintindihan kita.

Natatawa kong sinend ang mensaheng iyon. Baka nga natagalan siya bago nakatuloy kagabi kakaisip sa akin.

Natapos ang araw na iyon ng walang paramdam si Vien. Siguro busy? Pero gaano ba kagatagal ang gugugulin kung magrereply sya sa akin? Nakaramdam ako ng tampo ngunit pilit kong winaglit sa aking isipan.

Nang pauwi ako ay naisipan kong dumaan sa kanila ngunit nakita kong wala doon ang sasakyan nila at mukhang wala din tao. Umalis sila?


Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ngunit di ko alam kung para saan. Parang may kung ano akong nararamdaman ngayon.

What happened? Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko?

Wrong timingWhere stories live. Discover now