Chapter 16
Wrong timing 16: Umalis siya ng hindi lumilingon
Hindi ako nakatulog nag maayos kagabi dahil kaya ang resulta late na akong nakapasok. Wala din naman akong ganong gagawin dahil foundation week kaya ayos lang.
Pag dating sa booth ay si Troy agad ang sumalubong sa akin kasama si Gab.
"Tol!" Bati nito sa akin "may humahanap sayo kanina pa" natatawang sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.
"Oh ayan na pala siya" sabi ni Troy na nakatingin ngayon sa likuran ko. Napalingon naman ako sa likuran ko ng bumungad sa kin ang mukha niya.
"Hi!" Bati niya "Naglibot libot muna ko while waiting for you" dagdag pa nito. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat.
"Hey! Grabe ka naman magulat?" Natatawang biro pa niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ng makabawi sa gulat. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya
"Hindi kaba masaya? Nandito na ko" Nakangiti niyang tanong ngunit hindi nag bago ang ekspresyon ko.
"Abby" banggit ko sa pangalan niya "Bat bumalik ka pa?" Mahina pero madiin ang pag kakasabi ko.
Si Abby ang ex girlfriend ko. Umalis siya ng bansa kaya nag hiwalay kami. Nung mga panahon na yon ay ayokong umalis siya pero mas pinili niya pa ring umalis kahit ang kapalit non ay ang relasyon namin.
Pag katapos non ay hindi na ulit kami nakausap. Aaminin ko sobrang sama ng loob ko noon sa kanya. Pakiramdam ko noon wala akong halaga sa kanya. Pero ngayon ay okay na ko. Naka move on na ko. Kaya bakit pa siya bumalik?
"Aww you're so mean" biro niya pa ngunit hilaw ang ngiti "I'm here na nga eh galit ka pa rin ba?" Malambing na sabi niya ngunit hindi nag bago ang ekspresyon ko.
Nag datingan na rin ang ibang mga kakilala namin. At siguro ng makita kung sino ang nandito ay nakiusyoso na rin. Madami din nakakakilala kay Abby dahil madami kaming kaklase dito noong Highschool.
Halos magkumpulan na sa labas ng booth namin kaya mas nakaagaw kami ng pansin sa mga ibang dumaraan.
"Anong meron diyan?" Rinig kong tanong ng kadarating lang na si... si Vivien. Mukhang isa siya na naagaw ang pansin kaya napadpad dito.
"Oh bat ang daming tao?" Kasunod naman niya si Cris na kadarating lang "Troy- Abby?" Nagulat siya ng makita si Abby.
"Oh alis na po muna oh yung mga hindi bibili para di maistorbo ang mga bibili" Pagtataboy ni Troy sa sa mga tao. Agad din namang nag si alisan kahit ang iba ay mukhang gustong mangumusta kay Abby.
"Sino siya?" Rinig kong bulong ni Vivien kay Cris. Kami kami nalang ang natira sa harap ng booth.
Magkaharap pa rin kami ni Abby at walang nag sasalita sa aming dalawa. Siguro ay naisip niya na wala akong balak iwelcome siya tulad ng gusto niya.
"Hi! I'm Abby, girlfriend ni Tyron" ikinagulat namin ang pagpapakilala niya kay Vivien na kaninang nagtatanong kung sino siya.
"Ah" Mukhang nabigla din siya "Nice meeting you girlfriend ni Tyron" madiin ang pagkakasabi niya ng salitang 'girlfriend'
"Ex-girlfriend" Pagtatama ko sa kanila. Hindi naman nakakibo si Abby.
"woah! LQ agad?" Biro pa ni Vivien "osya alis na ko" At umalis siya ng hindi lumilingon manlang sa amin..
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...