Chapter 26
Wrong timing 26: talo na agad ako.
"Vivien..." Pigil ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin "Gusto kitang ligawan" Sabi ko na nagpakunot ng noo niya.
Nakatitig lang siya sa akin kaya dinugtungan ko pa ito "Gusto ko lang malaman mo para aware ka. Simula ngayon liligawan na kita."
"Okay" Sabi niya at saka bumaba. Dumitetso na siya sa loob ng nila. Habang ako ay naiwang nakatanaw sa kanya. Huminga ako ng malalim at nagpasyang dumiretso na pauwi.
"Kuyaaaaaaaaaa!" Salubong sa akin ni Tanya. Ano nanaman kayang sasabihin nito?
"Ano?" Walang ganang tanong ko.
"Nakita mo na ba to?" Sabay abot niya sa akin ng phone niya.
Kinuha ko ito at tinignan ang ipinapakita niya. Nakita ko doon ang mukhang dati nang picture ni Vivien kasama si Jerome. Tinignan ko lahat ang picture naniniguradong lahat yon ay luma.
Nakahinga akong maluwag ng makitang lahat nga ay noon pa kinuha. Tinignan ko kung sinong nag post at nainis ako bigla dahil nakita kong si Jerome iyon. Ang caption ay "Good old days. I miss you".
Parang umakyat anf lahat ng dugo sa ulo ko. Nag iinit ang ulo ko. Anong trio ng isang iyon?
Nasa kwarto na ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko iyon. Anong ibig sabihin ng post na iyon? May nangyari pa bang di ko alam? Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Nag aantay ako ng text ni Vivien. Kanina ay na itext ko na siya ngunit wala pa ring reply.
Pasado alas dyes na ay wala pa rin akong natanggap na mensahe mula sa kanya. Nag uumpisa ng gumawa ang utak ko ng mga posibleng dahilan. Naisip kong mag text ulit sa kanya ng napagpasyahan ko ng matulog.
Ako:
Busy ka ata. Matutulog na ko. Goodnight!
Hanggang sa magising ako kinabukasan ay wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Matamlay akong bumangon upang maligo. Hindi na ko kumain ng almusal dahil wala akong gana.
Nang makasakay sa sasakyan ay pinaandar ko na ito. Ginawa ko pa rin ang nakasanayan twing umaga. Huminto ako sa harap ng bahay nila ngunit wala siya sa labas. Ganon kasi ang laging ginagawa namin inaantay niya na ko sa labas tuwing umaga para sabay kaming pumasok.
Nag hintay pa ko ng ilang minuto dahil baka nalate lang siya ng gising ngayon. Umaasa kong ganon nga ngunit inabot ng twenty minutes ay wala pa din lumalabas.
Tumingin ako sa relos ko. Baka nauna na siya? Bumuntong hininga ako at nagmaneho na papuntang school.
Ngunit sa araw na iyon ay hindi ko siya nakita. Absent siya buong araw. Tinatawagan ko siya ngunit naka off ang phone niya.
"Bakit kaya wala si Vivien?" Rinig kong tanong ni Troy. Sila nila Cris ang makausap habang ako ay kanina pa tahimik. Nandito kami ngayon sa tambayan.
"Baka dahil doon sa post ni Jerome?" Sagot ni Gab. Napatingin ako sa kanila. Nanlulumo akong tumingin sa telepono ko na wala manlang mensahe niya.
"Huh? Ano naman connect?" Tanong ni Cris
"Syempre baka affected pa siya? Siguro nag iisip isip siya kung..." bigla siyang tumigil. Natahimik sila kaya nag angat ako ng tingin sa kanila at naabutan ko silang nakatingin sa akin.
Nag iwas din sila ng tingin ng makita akong nakatingin sa kanila. Binalewala ko lang iyon.
"Ano ba kayo? Naka move on na si Vivien no. Mukha na nga siyang masaya eh" Pampapalubag loob ni Troy.
"Ah oo nga sorry, ano ba yan" Bawi ni Gab sa sinabi niya kanina.
Napaisip tuloy ako. Naguluhan ba siya? Naisip ba niya na gusto niyang balikan si Jerome pero nahihiya siya sakin kasi nanliligaw ako sa kanya? Bigla nalang tuloy bumigat ang pakiramdam ko.
Nanlulumo ako sa mga naiisip ko. Kung sakali... talo na agad ako.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...