Chapter 31

9 1 0
                                        

Chapter 31




Wrong Timing 31: Hindi na.




Kinabukasan pag tapos ng klase ay doon ako nag ayang tumambay sa orihinal naming tambayan.


"Oh? Kala ko ba ayaw mo muna doon?" Tanong ni Troy habang naglalakad kami patungo doon.

"Hmm baka may may--" hindi ko na pinatapos ang sinisimulang pang aasar ni Cris.



"Mas gusto ko naman talaga doon eh" Simpleng sagot ko.


"Kaso iniiwasan mo si Vivien kaya..." Sagot ni Cris


"Hindi na ngayon"


"Ay wow! Change of mind?" Tumatawang pang aasar ni Cris


Malapit na kami sa tambayan ng makita namin si Gab papaliko papunta doon galing sa kabilang direksyon. May dala itong mga pagkain at inumin.

"Gab!" Tawag ni Cris

Nilingon niya kami kaya siya natigilan. Kumaway ito sa amin at inintay kaming makalapit sa kanya.

"Hi! Di na kayo sa THO tatambay?" Tanong ni Gab sa amin. Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa tambayan.


"Oo eh may nagbabalik loob HAHAHAHA" Tumatawang sabi ni Cris.


"Ah... sakto pala eh" Sabi ni Gab "Andito kami ni Vivien eh, bumili lang ako ng makakain namin kaya naiwan siya" Sabi pa nito.



Napatingin naman agad ako sa pwesto kung nasaan nga si Vivien. Bigla ay parang gusto kong umatras. Bigla akong naduwag.


"Vien!" Tawag ni Gab "Nandito sila... Tyron." Sabay tingin nito sa akin.


Napalingon sa amin si Vien at tipid na ngumiti. Kalmado lang ang itsura niya at kaswal na bumati.


"Hi!" Bati nito sa amin "Napadpad ulit kayo dito?" Pabiro nitong tanong

"Ah oo e kasi... e kasi ano..." Hindi maituloy ni Cris ang sasabihin niya. Tumingin lang ito sa akin na tila nang aasar pa "Namiss namin dito" Saka ito tumawa.

Naupo kami sa kanya kanya naming pwesto. Magkaharap kami ngayon ni Vivien habang si Troy ay katabi si Gab at ako katabi si Cris.

"Sayang di kami nakapag dala ng pagkain" Sabi ni Troy kay Gab

"Share share nalang tayo?" Suhesyon ni Gab

"Di kasya yan. Bili nalang tayo! tara Troy sakahan nyo ko" Pag aaya ni Cris.

Tatayo na sana ko ng bigla akong tapikin ni Cris ang aking balikat. Napatingala naman ako sa kanya.

"Kami nalang ni Troy" Sabi niya sabay kindat "Tara, Troy!"

"Okay! Sama ka Gab?" Tanong ni Troy kay Gab na nagtataka pa kung bakit pati siya ay isasama.

"Ha? Osige hehe"


Umalis na ang tatlo at kami nalang dalawa ni Vivien ang naiwan. Para maiwasan ang pagkailang ay nilibot ko nalang ang paningin ko sa paligid. Pilit akong nag hahanap ng mapaglilibangan.



"Di ka na umiiwas?" Pambabasag ni Vivien sa katahimikan.

Napalingon ako sa kanya at nakapangalumbaba na siya ngayon sa harap ko.

"Hi-hindi na" At nag iwas ako ng tingin.

"Mabuti. Sayang oras eh" Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Namiss kong titigan yung maamo niyang mukha. Kung titignan siya ay para siyang inosente basta wag lang magsasalita hahahaha.

"Para ka kasing ewan. Ano bang mapapala mo kung iiwasan mo ko?" Tanong niya. See? Wag lang talagang magsasalita.

"Hindi na nga dba?"

"Dapat lang!" Mayabang na sagot niya "Di din naman makakatiis" Bulong niya ngunit sinadyang iparinig sa akin.

"Sus. Bakit namiss mo ko no?" Pang aasar ko sa kanya

"Asa! Baka ikaw" Sabay irap nito ngunit naka ngisi.

At ganon lang ay bumalik ang pagiging komportable naming dalawa sa isa't isa. Nag aasaran na kami at nag tatawanan ng makabalik ang tatlo.

"Ano to? Okay na agad ganon?" Biro ni Cris. Inilapag niya ang hawak na mga pagkain.

"Mabuti naman at bati na kayo!" Masayang sabi ni Gabby.

"Ang tagal nyo naman?" Pag iiba ko sa usapan.

"Sus nag enjoy ka naman" Di talaga papatalo tong si Cris.

"Kumain na nga tayo!" Sabi ni Vien.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Napagkwentuhan namin ang mga ginagawa namin nung nakaraan hindi namin sila kasama. Puro biruan at tawanan, bagay na hihilingin mong sana ay hindi na natapos.

Isa ito sa mga ala alang binaon ko. Isang simple ngunit masayang alaala.

Wrong timingWhere stories live. Discover now