Simula

58 2 0
                                    

Simula

May mga bagay na itinadhana lang na mag tagpo pero hindi itinadhanang magstay sa isa't isa. May mga tao tayong makikilala pero hindi mag sstay, yung ipakikilala lang sa atin pero hindi pala para sa atin. May mga bagay na ipatitikim lang sa atin pero hindi rin naman magtatagal. Isang malungkot na katotohanan.

--

"Tyron, gising na!" Dinig kong wika ng isang boses habang inuuga ako "ano ba! hindi kaba talaga gigising?" Naiirita nang sabi nito.

Unti unti kong dinilat ang aking mata na agad din napapikit dahil sa sinag ng araw. Nakabukas marahil ang kurtina sa aking kwarto kaya tumatagos ang sinag ng araw.

"Sabi ko naman kasi sayo diba tumigil kana sa pag inom, hindi maganda sa katawan iyang alak na yan" sermon ni Tanya ang aking kapatid. "Mag ready kana! pupunta tayo kay Vivien, right?"

Agad akong napabangon. Nakalimutan kong kaarawan nga pala ngayon ni Vien ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Agad akong naligo at nagbihis. Kahit medyo masakit pa ang aking ulo ay hindi ko na ininda ito.

Dinaanan namain ang mga bulaklak na pinagawa ko base sa paboritong bulaklak ng aking pinakamamahal na babae... si Vien. Gusto ko ay maging espesyal ang kanyang kaarawan ngayon... at kung maaari ay sa mga susunod pang taon.

Pagkarating namin ay napatingala ako sa malaking puting gate. Bago pumasok ay di ko maiwasang alalahanin kung paano kami nag simula. Napangiti ako ng maalala kung paano kaming nagkalapit sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko.

Wrong timingWhere stories live. Discover now