Chapter 12

45 2 1
                                    

Chapter 12

Wrobg timing 12: Okay

Naglalakad na kami ni Vivien papuntang parking lot. Sasabay kasi siya sa akin ngayon papauwi. you know we're neighbors eh lol. Tuloy parin sa pag kukwento si Vivien tungkol sa mga ginawa niya o nangyari sa kanya ngayong araw. Nakikinig lang ako at nagtatanong paminsan minsan.

Papalapit na kami ng sasakyan ko ng may matanaw akong animal este tao. Taong di ko nais na nakikita. Napaismid nalang ako. Ano naman kayang ginagawa niya sa harap ng sasakyan ko?

"Vivien" Salubong niya agad sa amin este kay Vivien lang pala. Ang mokong ano naman kaya ang gusto nito.

"Je-jerome? A-anong ginagawa mo dito?" Lumingon pa si Vivien sa paligid, halata ring nagulat. "Wala kang kasama?" tanong pa nito.

"Oo" sagot nito "Pwede ba kitang makausap?" Tanong pa ng mokong.

"Ah pwede naman, ano ba yon?" sagot ni Vivien.

"Yung tayo lang sanang dalawa" Sabi niya sabay tingin sa akin. Aba't gusto pa magsolo

"Ha? Ano kasi-" naputol ang sasabihin ni Vivien ng magsalita ito.

"Ako na maghahatid sayo after natin mag usap" Pangunguna nito. Aba paladisisyon ang loko.

Tumingin sa akin si Vivien. Mukhang di sigurado sa sasabihin. "Okay lang ba mauna kana?" Tanong nito sa akin.

"Okay" maikling sagot ko naiinis. Bakit siya sasama sa gagong ex niya na iyon? Ilang beses nga siyang tinanggihan nung gusto niya makipag usap eh. Pero sini ba naman ako? Kaibigan lang ako kaya wala akong magagawa.

Sumakay na agad ako sa aking sasakyan habang sila ay pinanonood lang ang pag alis ko. Hinarurot ko agad ang aking sasakyan.

Pero dahil hindi ako mapalagay ay huminto ako sa unang kanto. Babalik na sana ulit ako ng makita ko sa ang sasakyan ni Jerome. Kaya imbis na bumalik ay sinundan ko ito.

Nakita kong huminto sila sa isang resto malapit sa village namin. Nang makapasok na sila sa loob ay saka lang ako punasok. Pumwesto ako sa bandang hindi nila ako makikita.

Medyo madami din kasing tao ngayon kaya hindi ako mapapansin kung sakali. Tinitignan ko sila mula dito sa pwesto ko. Naibigay na nila ang order nila kaya umorder nalang din muna ako ng para sa akin.

Alam ko mukha akong stalker ngayon pero nag aalala lang naman ako sa kaibigan ko. tss kaibigan your foot Tyron. Tss ano kayang pinag uusapan nila.

Hanggang sa matapos akong kumain at mukhang ganon din sila ay nag uusap pa rin sila. Hindi ko alam kung tungkol saan. Hindi maganda ang kutob ko.

Nang lumabas sila ay nag hinatay lang ako ng ilang minuto saka lumabas. Sumakay na ako sa aking sasakyan at dumiretso pauwi.

Nang malapit na ako sa bahay nila Vivien ay nakita kong kapapasok lang niya ng gate at nakasalubong ko pa ang sasakyan ni Jerome.

Wrong timingWhere stories live. Discover now