Chapter 11
Wrong Timing 11: Paano niya nalaman? Shit!
"Ehem" ubo ni Vivien na nakaagaw ng atesyon naming lahat "mukhang may bago kayong recruit ah?" Pabiro nitong sabi saka lumapit sa amin.
"Hi! I'm Gabriella Rivero but you can call me Gab" pagpapakilala ni Gab.
"Oh! Hello Gab!" Kumaway pa ito "Vivien nga pala, nice to meet you! Nakangiting pagpapakilala ni Vien.
"Okay lang bang sumama ako grupo niyo?" tanong naman ni Gab kay Vivien. Hinayaan lang namin sila
"Onaman! Sampid lang din naman ako dito" biro pa ni Vivien "ibig kong sabihin welcome to the group!" Sabay yakap nito kay Gab.
Well atleast may kasama ng babae si Vivien sa grupo. Mas marami mas masaya. Mukhang magkakasundo naman silang dalawa.
Pinagmamasdan ko ang dalawa habang nag kukwentuhan. Mukhang close na talaga sila kahit ang totoo ngayon lang sila nagkakilala.
"Talaga? Nililigawan ka ni Troy?" Napalakas na tanong ni Vivien. Kahit kailan talaga ang ingay niya.
"Shhh... oo eh" Nahihiyang sagot ni Gab. Mukhang magkukwentuhan sila tungkol sa pagkakasama ni Gab sa Grupo na to.
"Sasagutin mo ba siya?" Mayamaya naman ay tanong ni Vivien. Nakuha na niya pati atensyon naming tatlo.
"Hoy Vivien! Anong sinasabi mo diyan? Siyempre sasagutin niya ko no" sagot naman ni Troy kunwari ay nagagalit.
"Oh? Sabi niya? Pumayag na ngang magpaligaw sayo gusto mo pa sagutin ka. tss abuso" pabiro naman na ani Vivien.
Nagtawanan naman kami sa sinabi niyang iyon habang si Troy ay umastang napipikon kunwari
"Hanggang ligaw ka lang pala eh" pang aasar naman ni Cris. Kami naman ay natatawa lang.
"Tumahimik ka! Ikaw nga wala kahit nililigawan" Balik naman niya dito.
"Hoy grabe ka ha! Namemersonal kana"
"Mag si tigil nga kayo para kayong bata" Natatawang awat ko sa dalawa.
"Asus nag salita si Mr. Pogi pero single" pang aasar naman sakin ni Vivien. Aba at talagang dinamay pa ko.
"Single ka? Hindi kapa ba sinasagot ni Vivien, Tyron?" Inosenteng tanong ni Gab.
"Ha?"
"Huh?"
Sabay naming tanong ni Vivien. Anong sinasabi nito? Luh bat ako sasagutin di pa nga ako nanliligaw eh LOL
"Ah eh di ka ba nanliligaw sa kanya?" takang tanong pa nito "s-sorry... akala ko lang kasi" nahihiyang ani Gab.
"HAHAHHAHAHAHAHA hindi ah, torpe yang si Tyron eh. Diba no?" Natatawang tanong pa sa akin ni Cris.
"Sapakin kaya kita? Pinagsasasabi mo?" Amba ko kay Cris
"Hindi niya ko nililigawan no" natatawang sabi ni Vivien "pero baka crush niya ko" biglang dugtong nito.
At nagtawanan silang apat. Napatingin naman ako sa kay Vivien na tawang tawa sa sinabi niya. Tumingin pa siya sa akin at kumindat.
Paano niya nalaman? Shit!
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...