Chapter 5

31 1 0
                                    

Chapter 5


Wrong timing 5: Kilala mo ko?


Ipinarada ko sa nakahilerang sasakyan ang kotse ko ng makarating kila Stacy... ang kaibigan ni Tanya. Sa labas palang ay dinig ko na ang ingay sa koob ng bahay.

Nauuna sa paglalakad ang kapatid ko papasok sa bukana ng bahay. Pagkapasok namin ay binati agad kami ng ilang kakilala. Madami din palang invited na kakilala ko kaya di ako mabobored kung sakali sa kahihintay kay Tanya.

Hinayaan kong humalo si Tanya sa kanyang mga kaibigan at naubo ako sa unang table na nakita ko. May mga nagseserve ng inumin kaya agad akong kumuha ng isa. Nakapag dinner naman na ko kaya okay lang. Nilalantakan ko ang inumin ng matanaw ko si Vivien.

Nasa kabilang table siya mag isa at tila may tinatanaw. Tinignan ko ang banda kung saan sya nakatingin at nakita ko doon si... Jerome. May kausap itong mga babae at mukhang nagkakatuwaan. Hanggang dito ba naman ay sinusundan niya ang ex nya?

Hindi ko alam ang istorya nila ngunit kung ako sa kanya ay titigilan ko na ang walang kwentang lalaking iyon. Sino ba namang lalaki ang matitiiis ang ganyang kaganda at kaamong mukha? Agad kong tinagilid ang aking ulo at winala ang iniisip. Ano ba Tyron, nababaliw kana ba?

Nakita kong biglang tumayo si Vivien at mukhang aalis na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko sya.

Nakita kong dumiretso sya palabas ng gate habang nagtitipa sa kanyang telepono. Mukhang nag aantay ng sundo? Agad kong tinungo ang sasakyan ko at pinaandar palabas. Naabutan ko siyang nalalakad na at nagtitipa pa rin.

Huminto siya kaya huminto rin ako sa tapat nya. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko. "Wala kang sundo?" Tanong ko sa kanya. Napalingon pa sya sa paligid nya parang nagtataka. Oh great! Hindi ka nya kilala Troy! Nakakahiya naman to.

"Ah ano... magpapasundo nako tinext ko na ang kaibigan ko" nahihiyang tugon nya pa.

"Pauwi nako, pwede kang sumabay sakin if you want" sagot ko. Tangina Troy mukha kang timang.

"ah hindi na okay lang--" naputol ang sasabihin nya ng bigla siyang napalingon sa sasakyan na lumabas sa gate. "Ah sige sasabay na ko sayo, pasensya na" bigla niyang dugtong na ikinagulat ko.

Umikot agad siya at pumasok sa passenger seat. Nagtataka man ay pinaandar ko na ang sasakyan. Di pa man kami nakakalayo ay napansin kong may tinitignan sya sa likod. Kaya tinignan ko na din ito. Kasunod naman yung kotse na lumabas kanina.

"Sino yan?" Di ko alam saan ko nakukuha yung kapal ng mukha ko ngayon. Kung kausapin ko sya ay para kaming matagal na magkakilala.

"Ha?" Gulat na tugon nya "ah sila Jerome" dugtong niya. Oh! Now I know kung bakit bigla siyang sumakay tss.

"Saan nga pala ang Village nyo?" Pag iiba ko sa usapan, naaasiwa sa ex niya.

"Ah sa kabilang Village lang ako" nahihiyang sagot nya. Woah! Sa kabila? So all this time magkavillage lang pala kami? Tignan mo nga naman.

"Talaga? Doon din ako eh. Buti pala naisabay kita haha" tawa ko pa para mawala ang ilang niya.

"Ah talaga? Kakalipat lang namin doon nitong pasukan" nahihiya pa ding sagot nya.

Malapit na kami sa Village ng umover take yung kotse nila Jerome sa amin. Kaya naman palang umover take di pa ginawa kanina. Binaling ko na papasok sa loob ng Village namin.

"Diyan lang ako sa bahay na yan" turo niya sa bahay na kulay puti. Hininto ko doon ang sasakyan. Napagtanto ko na dalawang bahay lang ang pagitan namin.

"Salamat, Tyron" sabi niya ng pababa na siya.

"Kilala mo ko?" Gulat kong tanong. So pano niya ko nakilala?

"Ah oo kapatid ka ni Tanya diba?" Nahihiyang sagot niya "Osige pasok na ko, salamat ulit" sabay pasok niya sa kanilang gate.


Dumiretso na ko papunta sa bahay namin. Agad akong pumanik sa aking kwarto. Hindi ko alam kung gano na ko katagal nakatingin sa kisama habang nag iisip. So kilala pala niya ko? Pano niya nakilala ang kapatid ko?

Bigla akong napabalikwas. Shit! Oo nga pala si Tanya naiwan ko. Biglang tumunog ang telepono ko. Speaking of...

Pinindot ko ang answer at...

"KUYAAAAAA! NASAN KA BA? KANINA PA KITA HINAHANAP" pasigaw na tanong ni Tanya. Rinig ko ang ingay sa paligid.

"Nasa bahay na ko, uuwi kana ba? Sunduin na kita" sagot ko.

"ANO? AKALA KO BA AY IINTAYIN MO KO? KANINA KO PA GUSTONG UMUWI" hiyaw mya ulit. Napaka ingay talaga.

"Osige papunta nako, sandali lang" nagmamadali akong bumaba at kinuha ang aking susi.

Muntik na akong makatulog sa kakaisip tapos yung kapatid ko naiwan ko pa pala.

Wrong timingWhere stories live. Discover now