Chapter 25

21 1 0
                                    

Chapter 25



Wrong Timing 25: Gusto kitang ligawan



Pag katapos ng insidente sa pagitan ni Abby at Vivien mas naging malapit kami ni Vivien sa isat isa. Hindi na kami ginulo ni Abby. Palagi kaming magkasama o kung minsan ay kasama din namin ang barkada.

Sabay din kaming pumapasok at umuuwi. Isang araw habang pauwi kami ay naisip kong ayain siyang tumambay sa bagong bukas na Tea House sa malapit sa Subdivision namin.

"Try natin dito bagong bukas lang to" Sabi ko ng huminto sa harap ng Tea house.

"Osige" Agad din siyang bumaba.

Nang makapasok kami sa loob ay nakita ko si Troy sa bandang gilid kasama si Gab. Mukhang masaya ang dalawang kumakain doon. Nilapitan ko sila para bumati kaya lang nila ko napansin.

"Uy tol! Sino kasama mo?" Tanong ni Troy na napatingin na sa likod ko at nasagot agad ang sariling tanong. "Dito na kayo maupo"

Naupo kami na kasama sila Troy. Umorder na din kami ng makakain namin.

"Tol alam mo ba?" Masayang panimula ni Troy "Sinagot na na ako ni Gab!" Masayang kwento niya.

"Ano kaba nakakahiya, Troy!" Nahihiyang saway sa kanya ni Gab.

"Ano ka ba? Hindi kaba proud na boyfriend mo na ko? Ako nga proud na proud eh" Sabi naman ni Troy.

Natatawa lang kaming pinagmasdan ang dalawa sa harap namin habang nagkukulitan.

"Ikaw Tyron di kapa ba sinasagot ni Vivien?" Biglang tanong sa amin ni Gab nakangiti.

"Ha?" Nagugulat kong tanong

"Huh? Nanliligaw ba siya?" Natatawang tanong ni Vivien.

"Ayon lang! HAHAHAHHA" Nang aasar na kantyaw ni Troy "Torpe ka pala?"

"Manahimik ka nga" Naiirita kong sabi kay Troy.

Napuno na ng kantyawan ang aming mesa. Puro pang aasar na payo ni Troy ang nangunguna. Hanggang sa matapos kaming kumain at mag desisyon na umuwi na.

"Oh tol, ingat kayo ha?" Pag paaalam ni Troy "Ingatan mo yan si Vivien baka di ka sagutin" Natatawang sabi nito kaya sinamaan ko agad ng tingin "Ay hindi ka nga pala nanliligaw" lalo pa itong tumawa

"Sana talaga hindi matauhan si Gab at bigla kang hiwalayan" Pambabalik ko sa asar niya

"Hoy gago! Kumatok ka!"

"Yoko nga! Osya alis na kami" at nagmadali na kong pumunta sa sasakyan kasama si Vivien.

Tahimik lang kami habang papauwi. Walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila.

"Salamat" Sabi niya ng akmang bababa na

"Vivien..." Pigil ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin "Gusto kitang ligawan" Sabi ko na nagpakunot ng noo niya.

Wrong timingWhere stories live. Discover now