Chapter 19
Wrong timing 19: Hindi ako sasama.
Natapos ang linggong iyon ng hindi ko nakakausap si Vivien. Hindi ko alam kung absent siya o sadyang hindi lang siya nagpapakita sa akin.
Palagi ko pang tinatanong kila Cris kung nakita ba nila si Vivien pero hindi ang laging sagot nila.
Hanggang sa nag araw ng lunes. Sinadya ko ng pumunta sa room nila since alam ko naman na ang schedule niya kahit papano. Hindi ko hundred percent sure kung tama yung naaalala ko pero pumunta pa rin ako.
Pag dating ko sa room nila ay madami na agad bumabati sa akin. Tango lang sinagot ko sa kanila. Tumingin ako sa loob kung nandoon ba si Vivien.
Hindi ako nag kamali, tama nga na dito siya naka room ngayon. Nakikipag kwentuhan siya sa kanyang mga kaklase ng mahagip ako ng paningin niya.
Kinawayan ko siya ng makitang nasa akin na ang atensyon niya. Ngiting ngiti pa ako sa kanya habang siya ay unti unti ng sumimangot ng makita ako.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Napunta na sa amin ang atensyon ng mga kaklase niya pero wala na akong pakialam.
"Hi" bati ko ng makalapit na siya ng tuluyan sa akin. Tipid nalang ang ngiti ko ngayon.
"Ba't nandito ka?" Nakataas ang kilay niyang tanong "naliligaw kaba?" Dagdag pa niya.
"Mukha ba?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Nakakainis.
"Aba malay ko" Di nagpapatalong sagot niya. Napakasungit.
"Bakit ang sungit mo?" Tanong ko sa kanya "ikaw na nga tong pinuntahan eh"
"So dapat mag thankyou? Okay! Thankyouuuuuu po!" Napaka Sarkastikong sabi niya.
"tss. ewan ko sayo" naiinis na sabi ko.
"So ano? bakit ka nandito?" Tanong niya ulit "Nandyan na si Sir mamaya nalang" At agad siyang pumasok sa loob. Naiwan akongag isa dito.
"Mr. Lacson? What are you doing here?" Tanong ng professor ng maabutan ako dito. "Ang aga mo namang umakyat ng ligaw" Istriktong sabi nito
"Ah hindi sir may tinanong lang" Sabi ko "Excuse me po" Sabi ko saka umalis doon. Malas naman talaga oh! Napaka wrong timing niya. Tss.
Nasa tambayan kami ngayon dahil wala ang prof namin. Nag iwan ito ng gawain pero dahil bukas pa ipapasa ay baka sa bahay nalang namin gawin.
"Gusto mo to?" Tanong si Troy kay Gab. Kasama namin siya ngayon dito. Siguro ay wala ding klase.
"Wala pa ba si Vivien?" Tanong naman bigla ni Cris. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Ah basta!" Sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Tingin na parang ano mang oras ay gigilitan ko siya pag di niya sinabi sa akin.
"Oh relax! May pinakuha kasi kong number ng kaklase niya" paliwanag nito. "Akala mo naman aagawan" bulong bulong pa niya na akala mo hindi ko naririnig.
Napailing nalang ako. Si Troy at Gab ay tuloy pa rin sa harutan sa gilid. Hay nako pag eto nahuli ewan ko nalang.
Makalipas ang isang oras napagdesisyunan nilang pumunta sa canteen. Ginugutom na daw kasi sila. Tatayo na sana ko para sumama nalang sa kanila ng biglang dumating si Vivien. Sa wakas!
"Oh! Alis na kayo?" Tanong nito ng makitang nagtatayuan na sila Troy. Ako naman ay hindi tumuloy sa pagtayo.
"Pupunta kaming canteen eh sama ka?" Tanong ni Cris sabay akbay sa kany "Asan na?" Bulong nito.
"Oh" Sabay abot si Vivien sa isang maliit na papel "kayo nalang tinamad na ko maglakad"
"Osige ibibili ka nalang namin. Ano bang gusto mo? Libre ko na" Kindat sa kanya ni Cris.
"Talaga? Osige ba!" Sang ayon ni Vivien "Choc-O at Egg pie nalang" sabi nito.
"Tara na Tyron" Aya sakin nila Troy ng makitang nakaupo pa rin ako.
"Hindi ako sasama. Kakatamad" Sabi ko. Umalis naman agad sila. Naiwan kami ni Vivien dito.
Sa wakas makakausap ko siya ng kaming dalawa lang. Wala na siyang maidadahilan para umiwas pa.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...