Chapter 18
Wrong Timing 18: Vivien, can we talk?
"Shit! Ano ka ba Vivien!" Bigla siyang nag salita na ikinagulat ko.
Anong sinasabi nito? Kinakausap ba niya sarili niya? Haha. Gugulatin ko na sana siya ng bigla ulit siyang mag salita pero sa pagkakataong ito ay talagang natigilan ako.
"Gusto ko na ba talaga siya?" Tanong nito sa kanyang sarili "Omg! Tyron bakit, ikaw pa?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili niya.
Bigla siyang humarap pagkatapos ng sinabi kaya ikinagulat niya na makita ako. Tinanggal niya ang earphone sa tenga niya. Hindi maitsura ang mukha niya sa gulat.
"Bakit hindi?" Tanong ko sa kanya. Bagamat alam kong hindi iyon tanong para sa akin ay sinagot ko parin ang tanong niya kanina sa sarili "Bakit hindi, Vivien?" Nakataas ang kilay kong tanong
"Kanina kapa ba dyan? Narinig mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya "shit!" At bigla nalang siyang tumakbo paalis.
"Vivien sandali!" Habol ko pa sa kanya. Hindi niya ako nilingon kaya tinawag ko pa siya ulit pero parang wala siyang naririnig. Bakit ba siya tumakbong bigla? tss.
Hanggang sa nawala siya sa paningin ko dahil biglang may humarang sa daraanan ko kaya natigil ang pag habol ko sa kanya. Kung mamalasin ka nga naman oh.
"Kuya!" Panimula ni Tanya. Kahit kailan ang ganda ng timing tss. Siguraduhin lang niya talagang importante ang sasabihin niya kung hindi lagot talaga siya sa akin.
"Ano?" Inis kong tanong. Tinignan ko ang dereksyon na tinahak kanina ni Vivien ngunit wala na talaga doon. Nilingon ko na ngayon ang kapatid ko na nasa harapan ko na.
"Kuya I heard nandito na si Abby?" Ani Tanya na nakapag pairita lalo sa akin. Iyan lang ba ang sasabihin niya.
"Tanya pwede ba mamaya nalang? May gagawin pa ko" pag mamadali ko.
"Ha? Nag kita na ba kayo? Nag kausap na kayo?" Tanong pa nito pero iniwan ko na siya doon "KUYA!" Sigaw niya ng umalis ako ng di siya sinasagot.
Hinanap ko si Vivien pero di ko na siya makita. Hanggang sa mag uwian ay hindi ko siya nakita. Baka maaga siyang umuwi? Kailangan ko siyang makausap.
Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe sa kanya.
Ako:
Vien, can we talk?
Ilang sandali akong nakatitig sa aking telepono ngunit wala pa rin siyang reply. Nag hintay ako hanggang sa nakatulog nalang ako.
Pag kagising ko kinabukasan ay wala pa ring mensahe galing sa kanya. Agad akong nanlumo dahil doon.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...