Chapter 20

21 0 0
                                    

Chapter 20


Wrong timing 20: Sakay o bubuhatin


Binalot muna kami ng katahimikan ni Vivien bago ako nag kalakas ng loob magsalita.

"Bakit mo ko iniiwasa?" Pambabasag ko sa katahimikan.

"ha? Hindi ah" halatang kabadong sagot niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Madalas ay makulit siya at madaldal.

"Talaga?" Nanunuyang tanong ko

"Oo" maikling sagot niya

"Eh bat ilang araw kang di nag papakita?" Diretsang tanong ko

"huh? Hindi mo talaga ko makikita non" Natatawang sagot niya

"Huh? Bakit nagtatago kaba?"

"Hindi baliw!" Natatawa siya "hindi ako nakapasok ng ilang araw" sabi niya.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Grabe naman yung pag iwas niya

"Hindi ako nakapasok kasi sumama yung pakiramdam ko e" sabi niya. Natingin lang ako sa kanya tinatantsa kung nagsasabi siya ng totoo.

"Totoo nga! Gusto mo tanong mo pa kay mommy" biro pa niya.

"Okay sige! Naniniwala na ko" sabi ko naman "Okay kana ba?"

"Malamang nakikita mo naman dba?" Pambabara niya sa akin.

Mukhang bumabalik na siya sa kakulitan nya kaya malamang okay na nga to. May gusto din akong sabihin sa kanya ngunit di ko alam kung pano uumpisahan.

"Vien"

"Hmmh?" Di niya ko agad nilingon.

"May sasabihin ako sayo" Paglalakas loob ko.

"Ano yon?" Tanong niya. Nakatitig na siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung ngayon yung tamang time pero gusto ko ng sabihin.

"Gusto ko--" naputol ang sasabihin ko ng biglang...

"There you are!" Biglang singit ng kararating lang na si Abby. Tignan mo nga naman, napaka wrong timing naman. "Andito ko lang pala, kanina pa kita hinahanap" sabi pa nito.

Nasa likod naman niya sila Troy. Mukhang sila ang nagsabi kung nasan ako. Tumingin ako sa kanila at nag kibit balikat ang mga ito

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Abby. Hindi ko alam kung anong pakay niya pero sana hindi muna sa mga oras na to hindi ba?

"Obviously, I'm looking for you" Maarte pero nakangiti niyang sagot "Why are you here ba?" Maarte niyang tanong habang nililibot ang mata sa paligid.

Alam ko hindi niya magugustuhan ang ganitong lugar o tamabayan. May mga sira kasing upuan at mga dahong bulok na maaapakan. Sa sosyal na kagaya niya mas gugustuhin niyang tumambay sa coffeeshop kesa sa lugar na may sariwang hangin.

"Ikaw bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ah aayain kasi kita, may family dinner samin so-" agad ko siyang pinutol sa kanyang sinasabi.

"So bakit mo ko aayain?"

"A-ano ka ba? Hi-hindi ka naman iba sa amin" Napapahiyang tugon niya.

"Really? I'm sorry I'm busy" Sabi ko. Humarap ako kay Vivien na ngayon ay nakatingin sa amin. Nagulat siya sa biglaan kong pag lingon.

"Let's go" Sabi ko sabay hila sa kamay nya. Hindi na siya nakapalag dahil sa bigla.

"Huy! San ba tayo pupunta?" Nang matauhan ay tanong ni Vivien.

"Huy!" Tawag niya ulit ng di ako sumagot.

Nakarating na kami ng parking ng hinarap ko siya. Tumigil na din kami sa paglakad. Nasa harap na kami ngayon ng aking sasakyan.

"Sakay" Maikling utos ko.

"Huh?" Takang tanong niya "Saan naman tayo-" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa pag putol ko nito.

"Sakay o bubuhatin pa kita"

Wala na siyang nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan ko. Umalis kami doon ngunit hindi ko pa alam kung saan talaga kami pupunta. Bahala na pero dapat ay masolo ko siya. Hindi na pwedeng maudlot to.

Wrong timingWhere stories live. Discover now