Chapter 14
Wrong timing 14: nagkabalikan na ba talaga sila?
"Oh san ka galing?" Bungad sa akin ni Troy pag dating kong booth.
"Tambayan" Simpleng sagot ko.
"Wala sa mood?" Asar niya sa akin. Siya ang nakabantay ngayon kasama ang ibang kaklase namin. Kami naman ni Cris mamaya ang magkasama.
Dahil wala naman na kong gagawin dito nalang ako tatambay. Wala na kong gana na umikot ikot pa sa ibang booth.
Habang nag uusap kami ni Troy ay natanaw ko si Cris na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Inantay ko siyang makarating bago mag salita.
"Bakit tumatakbo ka?" Tanong ko. Mukha kasing madali siya papunta dito dahil kaya ngayon ay hingal at di pa makapagsalita.
"Si Vivien..." Hinihingal parin niyang sabi na nakapag pakunot ng noo ko "si ano... si Vivien di-dinala s-sa clinic" pagpapatuloy niya.
"Ano?" Nagugulat kong tanong "anong dinala sa clinic? Bakit anong nangyari? Kasama niya si Jerome ah?" Sunod sundo na tanong ko, nagaalala.
"Oo nga, kasi kanina nakita ko sila nagmamadali si Jerome papuntang clinic buhat si Vivien-" mahabang paliwanag niya na di ko na pinatapos.
Agad akong tumakbo papuntang clinic. Hindi ko na pinatapos si Cris.
"Tyron! Intayin mo kami!" rinig ko pang sigaw ni Troy pero di ko na pinansin.
Pag dating namin sa clinic ay agad akong pumasok ng di na kumakatok. Nagulat pa ang Nurse at si Jerome sa pag dating ko o namin.
"Yes? What can I help you?" Tanong agad ng nurse.
"Where's Vivien? What happened" Tanong ko agad dito. Hindi na makapag hintay.
"She's okay now" si Jerome ang sumagot. "Nakatulog na siya" dugtong pa nito. Tumingin lang ako sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Nandoon siya" turo ng nurse sa may nakaharang na kurtina "nagpapahinga siya, sumakit kasi ang ulo niya kanina and binigyan ko na siya ng pain reliever" paliwanag ng nurse.
Naibsan ang pag aalala ko pero di pa rin maalis sa akin na maguilty dahil wala ako sa tabi niya. Ano ba naman Tyron ang drama mo, okay na nga daw dba?
"Okay lang ba kung intayin ko siyang magising?" Tanong ko sa nurse.
"Ah okay lang pero isa lang kasi yung pwedeng mag hintay dito sa loob" sagot naman nito.
Nagkatinginan kami ni Jerome. Alam kong wala akong karapatan pero siya din naman diba? O nagkabalikan na ba talaga sila? Ah basta dito lang ako. Hihintayin ko siya.
"Okay pre, ikaw nalang muna dito. May game kasi kami" maya maya ay ani Jerome. Sus, ipagpapalit si Vivien sa game. Walang kwenta. Pero okay na din yon.
"Sige" maikling sagot ko saka naupo sa malapit na upuan. Ang dalawa ay tahimik lang. Oo nga pala kasama ko nga pala sila.
"Pano tol, alis muna kami ha? Balitaan mo kami pag gising na si Vivien" ani Cris.
"Kami na muna magbabantay sa booth" sabi naman ni Tyron.
Umalis na din sila kasabay ni Jerome. Tahimik lang akong nag hihintay na magising si Vien. Ang nurse naman ay lumabas muna sandali.
Makalipas ang kalahating oras ay narinig kong gumalaw ang kama. Kaya napatayo agad ako at sinilip si Vivien. Nakita kong dahan dahan siyang tumatayo kaya inalalayan ko.
Mukhang medyo masakit pa ang ulo niya. Kaya nag alala ako bigla.
"Okay kana ba? Sumakit daw ang ulo mo? Ano bang nangyari?" Tanong ko sa pag aalala sa kanya.
Ngunit imbis sagutin ay tumitig lang siya saakin. Naisip ko tuloy na baka lalong sumakit ulo niya lalo dahil sa mga tanong ko.
"Tatawagin ko lang yung nurse" sabi ko sa kanya.
"Okay" sagot niya.
Hindi pa man ako nakakalabas ay biglang pumasok ang nurse sa pinto.
"Gising na po siya" Sabi ko sa nurse.
Agad naman niya itong pinuntahan. Tinanong niya pa ito kung okay na ba ito.
"Sure ka? Wala ka na bang ibang nararamdaman?" Tanong pa nito
"Wala naman na po, okay na ko" Sagot ni Vien sa kanya.
"Okay, good. Check ko lang temperature mo" saad nito.
"Hmmm. Ayan okay na." Sabay tingin nito sa thermometer "wala ka naman lagnat" sabi pa naman nito. "Lagi bang sumasakit ang ulo mo?" Tanong pa niya.
"Hindi naman po, minsan lang" Sagot ni Vien.
"So hindi lang ngayon? Nag patingin kana ba?" Tanong pa nito.
"Hindi pa pero hindi naman na kailangan, di naman grabe to" sagot ni Vien sabay tayo.
"Okay, wag kana mag puyat baka dahil sa puyat yan" payo pa ni nurse.
"Okay, salamat! Pwede na po ba kaming umalis?" Tanong ni Vivien.
"Kung okay kana sige"
"Tara na?" Biglang baling nito sa akin.
"Ha? Sige" agad siyang lumabas kaya sinundan ko agad siya.
Nang malayo na kami sa Clinic at nasa likod pa rin niya ko ay bigla niya kong hinara. Nagulat ako sa biglang pag harap nito sa akin.
"Bakit ka nandon? Di ba iniiwasan mo ko?" Sabi niya. Hindi agad ako nakasagot.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...