Chapter 36

2 0 0
                                    

Chapter 36: "Vien."




Until today wala pa ding paramdam si Vien. Ano to ghosting? Napailing ako. Hindi, hindi, hindi niya gagawin yon sakin.


Tinadtad ko siya ng text kagabi pero kahit isang reply wala. Nakatulugan ko na at ng magising ako ngayong umaga ay wala padin siyang reply.


Tamad na tamad akong bumangon at gumayak pero ginawa ko. Baka pumasok sya ngayon kaya dapat pumasok ako.


Pasakay nako ng sasakyan ng sinubukan kong tawagan sya ulit. Kagabi naka ilang tawag ako pero walang sumasagot.


Nakaupo nako sa driver's seat at nasa tainga ko ang aking cellphone. Nagring ulit ito ngunit wala pa din sumasagot. Sa pangatlong ring ay biglang may sumagot.


Napaupo ako ng tuwid at nahinto sa pagpapaandar ng makina.


"Hello, Vivien bakit-" naputol ang sinasabi ko ng biglang nagsalita ang sa kabilang linya.


"Hello, iho! Mommy to ni Vivien."  Pang bungad niya. Nahinto ako.

"T-tita, ano po... si Vivien po?" Lito kong tanong.

"Tyron.... Nasa hospital kami ngayon. Sinugod namin si Vien kahapon dito" mahinahon niyang sinabi.

"p-po? bakit po ano pong nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"mabuti pa puntahan mo siya dito mas maiging siya na ang mag sabi sayo."


Pagkababa ng tawag ay agad akong humarurot diretso sa hospital kung nasaan si Vivien. Wala akong maisip, hindi ako makapag isip ng maayos.


Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko kahit anong pang aalo ang sabihin ko sa sarili ko.


Simpleng sakit lang yon, Tyron, wag kang mag alala. pero bakit hindi sinabi ni tita kung ganon? Lalo lang akong kinabahan. Bukas ang aircon ng sasakyan pero pawis na pawis ako.


Ang bilis ng patakbo ko ngunit parang ang bagal at ang tagal bago ko marating iyon.



Nang sa wakas ay nakarating na ako doon ay tinakbo ko ang distanya papasok sa hospital.


"Vivien Elizabeth" iyon lang tanging nasabi ko sa information desk sa sobrang kaba ko. Agad naman nilang sinabi ang roon number ni Vien.


Nasa labas nako ng kwarto nya at nakatitig sa numero sa labas ng pinto. Hindi ko alam ngunit ngayon ay parang ayokong pumasok. Huminga akong malalim at kakatok na sana ng marinig ko ang boses nila.


"Papunta na siya dito, anak" malumanay na tinig ni tita. Wala akong narinig na sagot mula kay Vien.

"Kailangan mong sabihin sa kanya hindi mo maitatago ito. Pasensya kana at pinangunahan kita sa pag papapunta ko sa kanya" patuloy ni tita.


"Ma, ayokong malaman nya" bakas sa boses niya ang lungkot.


"Wag kang mag alala. Alam kong hindi ka nya iiwan" si tita.



"Pero ako.... Ma, maaaring ako.... maiwan ko siya" tuluyan ng naiyak si Vien.


Para kong nanigas sa mga narinig ko. Hindi pa man buo ang detalye ay alam ko na. May hinala na ako.

Nanghihina ako ngunit kumatok pa din ako sa pinto. Dalawang katok at pinag buksan ako ni tita ng pinto. Nguniti siya sa akin ngunit hindi ito umabot sa kanyang mata.


Nakangiti akong pumasok sa loob na parang walang narinig.



"Vien" nakangiti kong salubong sa kanya. Nakatingin lang siya sakin at saka pilit na ngumiti.

"Hindi ka pumasok?" Tanong niya sa akin na parang normal ang lahat. Na parang wala sya sa hospital at na parang wala lang ang pinag uusapan nila kanina....

Wrong timingWhere stories live. Discover now