Chapter 15
Wrong timing 15: Yun pala eh, una na kami
"Bakit ka nandon? Di ba iniiwasan mo ko?" Sabi niya. Hindi agad ako nakasagot.
Hindi pa ko nakakabawi dahil sa tanong niya ng bigla nanaman siyang mag salita "di ka makasagot? so tama nga ako?" Nakataas ang kilay niya.
"Tss... okay kana ba?" Pag iiba ko ng usapan. Nag aalala pa rin naman ako sa kanya noh.
"Oo" sagot niya nag iwas ng tingin "ilang araw na kasi kong puyat" dagdag pa niya
"Huh? Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Ano namang pinag pupuyatan niya?
"Ala may gumugulo kasi sa isip ko eh" nakatitig niyang sagot sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin. Ano naman kaya yon or sino? tss.
Nakabantay ako ngayon sa booth kasama si Cris. Panay ang alok niya sa mga dumadaan ng mga paninda namin habang ako ay nakatanga lang dito. Iniisip ko pa rin kung tama kaya yung iniisip ko. Ha? Ah basta!
"Hoy!" Kaway ni Cris sa harap ko. Napatuwid naman ako sa pagkakaupo.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Pabili" Napalingon ako kay Vivien na nasa harap ko na ngayon at naka taas ang kilay "Nagdday dream ka?" Natatawang tanong niya.
"Sinasabi mo diyan" pag susungit ko. Kainis naman bat nandito to "bat ka nandito?"
"Ay wow! Bibili ko bawal?" Mataray naman na sagot nito. Oo nga! Lutang sorry.
"Pili kana Vivien wag mo ng pansinin yan kanina pa lutang" Singit naman ni Cris.
"Oh talaga? Bakit kaya?" natatawang tanong ni Vivien. Anong tinatawa tawa nito?
Ganoon lang ang naging araw ko. Hanggang sa mag sara ang booth at mag uwian. Naglalakad na ko sa parking lot ng makita ko si Vivien na kausap si Jerome.
Agad akong nag iwas ng tingin at lalagpasan na sana sila ng bigla namang may tumawag sa akin.
"Tyron!" Rinig kong sigawa ni Troy sa likod ko. Nilingon ko naman agad siya at "uwi kana? may bagong bukas na bar diyan, ano g?" tanong nito ng makalapit ng tuluyan sa akin.
"Pass" Walang ganang sabi ko "Next time"
"Luh" ani Troy
Pupunta na sana ko sa sasakyan ko ng biglang sumulpot si Vivien "Oy sabay ako pauwi" kalabit pa nito sa akin.
"Ha?" Nagugulat na tanong ko "Ano kasi may pupuntahan pa kami ni Troy eh" sabay tingin ko sa kaibigan.
"Ha? Kala-" agad ko siyang pinutol sa sasabihin at palihim na siniko "Ah Oo nga" Alanganin pang pag sang ayon nito.
Napatingin naman ako kay Vivien na ngayon ay unti unting nawawala ang ngiti. Nakokonsensya naman ako kaya gusto ko ng bawiin pero biglang....
"Ako nalang mag hahatid sayo, Vivien" Singit ni Jerome.
"Yun pala eh, una na kami" Sagot ko naman at agad na pinatunog kotse ko at sumakay.
Nakita kong ganon din ang ginawa ni Troy kaya pinaandar ko na ang sasakyan ko. Nang papaalis na ako ay nakita kong nakatanaw sa aking sasakyang papaalis si Vivien. Pilit kong winaglit sa isipan ko ang kanyang itsura dahil alam kong babagabagin ako ng aking konsensya.
Hindi ko alam kung tama bang iwasan ko siya dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya kahit na hindi naman niya talaga kasalan.
Hanggang sa pag uwi ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko nagawang mag enjoy kanina. Nag palipas lang ako ng oras at nagpasyang umuwi na.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...