Chapter 17
Wrong Timing 17: tatanggapin ko siya with open arms
Nakatingin pa rin ako sa kintatayuan ni Vivien kanina kahit na nakaalis na siya. Hindi ko alam kung susundan ko siya pero bakit ko nga pala siya susundan?
Ang dating kasi ay parang nagwalk out siya. Tss bat naman siya mag wawalk out? Ang feeling mo naman masyado. Baka may gagawin lang siya kaya umalis.
"Tyron" tawag sa akin ni Abby na nakapag pabalik sa wisyo ko. Oo nga pala nandito pa siya.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito at kung ano man yon ay wala na akong pakialam.
"Tol" Awat sa akin ni Troy na parang may sasabihin o gagawin akong hindi maganda "Gusto niyo dito muna kayo sa loob para makapag usap kayo" dagdag nito.
"Hindi na. Wala akong sasabihin eh" sabi ko.
"Ah Abby! Kamusta ka na? Long time no see" Pag wawala ni Cris ng tensyon.
Nakatingin pa rin sa akin si Abby kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Ni hindi sinagot ang tanong ni Cris.
"Sa tingin mo bakit?" Tanong niya sa akin. Ano namang malay ko sa dahilan niya hindi naman ako interesado.
"Ewan ko. Wala din naman akong pakialam" diretsyohan kong sagot sa kanya saka umalis. Wala akong panahon makipag hulaan sa kanya.
Dalawang taon na ang nakalipas ng umalis siya tapos ay babalik siya ng parang walang nang yare? Anong ineexpect niya? Na okay lang ang lahat. Na sa pag balik niya ay tatanggapin ko siya with open arms? Nagkakamali siya kung ganon.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya dumiretso nalang ako sa tinatambayan namin. Magpapahangin na muna ako. Atleast doon tahimik at walang gugulo sa akin.
Nang makarating ako doon ay ikinagulat ko ng makita si Vivien doon, mag isa. Mukang hindi niya namalayan ang pag dating ko dahil nakatalikod siya sa banda ko.
"Shit! Ano ka ba Vivien!" Bigla siyang nag salita na ikinagulat ko.
Anong sinasabi nito? Kinakausap ba niya sarili niya? Haha. Gugulatin ko na sana siya ng bigla ulit siyang mag salita pero sa pagkakataong ito ay talagang natigilan ako.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...
