Chapter 21

22 0 2
                                    

Chapter 21


Wrong timing 21: I like you



Huminto kami sa ng may makita kaming isang tagong cafe. Mukhang napalayo kami. Hindi ko na namalayan dahil gusto ko lang lumayo muna sa lugar na yon. Gusto ko munang makausap ng sarili si Vien.

"Bumaba muna tayo, nagugutom kana ba?" Pambabasag ko ng katahimikan. Tinanggal ko ang seatbelt para makababa na.

Umikot ako upang pag buksan siya ng pintuan. Bumaba rin naman agad siya.

Sabay kaming pumasok sa lumang cafe na iyon. Nakita ko kanina sa labas na "La Cafe" ang pangalan nito. Ngayon pang ako nagawi dito kaya hindi ako pamilyar.

Nang makapasok sa loob ay konti lang tao, siguro ay wala pa sa sampo at ang iba ay paalis na. Pumwesto kami sa mesa sa sulok.

"Anong gusto mo? Ako na ang oorder" Sabi ko ng tuluyan nang makaupo si Vivien.

"Ahm... Kung ano nalang din ang sayo" Sagot nito. Hindi rin kasi namin pa alam kung ano ang mga pagkain dito.

Nagpunta ako sa counter at namili ng maaari naming orderin. Nang maibigay ko na sa cahera ang order ay binayaran ko na ito.

"Sukli niyo po sir!" Sabi ng kahera. Iniabot niya ito sa akin.

Bumalik ako sa mesa namin ni Vivien at doon nag intay ng order namin. Tahimik lang siya doong nag mamasid ng paligid.

Nang makaupo ako ay tumingin siya sa akin. "Mukhang napalayo tayo, baka gabihin tayo" sabi nito.

"Hindi naman siguro maaga pa naman"

"Bakit ba tayo nandito? Baka hinahanap na nila tayo" Nag aalalang sabi ni Vivien.

"Itetext ko nalang sila mamaya" sabi ko. Dumating na ang pag kain namin kaya nag simula na din kaming kumain.

Nakakaisang subo palamang si Vivien ng bigla niyang ibaba ang kutsara at mapapikit.

"Bakit? Hindi ba masarap? Gusto mo umorder akong bago?" Tanong ko sa kanya.

Ilang segudo siyang di nagsalita. Dumilat siya at tumuwid sa pagkakaupo.

"Hindi, okay na to" sagot niya "Pwede bang umuwi na tayo pagkatapos?" Sabi pa niya

"Huh? Ah oo naman sige" Nalilitong sagot ko.

Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami doon at nagpunta na ng sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pintuan upang makapasok na sa loob ng sasakyan.

Nang papabalik na ay may nakikita akong mga motorista na nakahinto sa gilid ng kalsada. Madami din ito at mukhang mga dayo din sa lugar. Binagalan ko ang patakbo ng sasakyan ko upang tignan kung anong meron.

"Ano kayang meron diyan?" Tanong ko kay Vivien kahit alam kong hindi rin niya alam.

Nang sa wakas ay makalapit na kami ay may nakita akong signage na this way. Huminto ako sa kabilang gilid at bumaba ng sasakyan. Naisip kong itanong kung anong meron doon dahil nacucurious talaga ako. Isa pa ayoko pang umuwi dahil maaga pa naman.

"Kuya ano pong meron doon?" Turo ko sa kabilang kalsada.

"Ah Secret Falls, boy" sagot naman nito. "Maganda maligo dyan. Doon na kayo samin mag park" Alok pa nito na akin.

Bumalik akong sasakyan upang sabihan si Vivien sa plano ko. Nang mapapayag ko siya ay pinasok na namin ang papunta sa sinasabi nilang secret falls.

Madaming tao doon ng makarating kami. Bumaba kami ng maipark na ang sasakyan. Inalalayan ko pa si Vivien dahil medyo mabato.

"Maliligo tayo?" Tanong niya

"Gusto mo ba?" Tanong ko din sa kanya

"Wala tayong baong damit eh. Mababasa ang sasakyan mo" sabi niya.

"Okay lang yan. May towel ata ako sa sasakyan saka extra shirt" Sabi ko at hinila siya sa bandang walang tao.

Alas kwarto na ng hapon kaya hindi na ganong mainit. Nakaupo kami sa gild habang nakababad ang mga paa sa tubig. Tahimik lang si Vivien habang pinagmamasdan ang paligid.

Nang hinda na ko makatiis ay hinawakan ko ang kamay ni Vivien. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Vivien..." Panimula ko habang siya ay nakatingin lamang sa akin, nag iintay ng susunod kong sasabihin "I like you"

Wrong timingWhere stories live. Discover now