Chapter 22
Wrong Timing 22: Vivien, tulog kana?
"Vivien..." Panimula ko habang siya ay nakatingin lamang sa akin, nag iintay ng susunod kong sasabihin "I like you"
Nakita kong manlaki ang mga mata niya sa gulat. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Alam kong iba ang gusto niya o maaaring mahal pa kaya hindi ako aasang masusuklian niya ang nararamdaman ko. Gusto ko lang sabihin sa kanya at magpakatotoo.
"Sa maikling panahon na nakasama kita hindi ko namalayang lalo akong nahuhulog sayo" Pagpapatuloy ko pa "Sa totoo lang, nung una kitang makita may kakaiba na kong naramdaman hanggang sa eto na sigurado na ko... gusto kita"
Hindi pa rin ito umiimik. Hindi ko rin naman siya hinahanapan ng sagot. Gusto ko lang talagang ilabas na itong nararamdaman ko. Hindi ako humihingi ng sukli sa nararamdaman ko. Ganoon naman talaga dapat hindi ba? Hindi ka dapat nang hihingi ng kapalit sa kung ano mang ibinibigay mo.
"Hindi ko hinihinging magustuhan mo rin ako. Hinihiling siguro, oo" pabiro kong sabi sa huli. "Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko. Wag kang mag alala hindi ako umaasa ng kapalit" Nakangiti kong sabi.
Nang hindi pa rin siya makaimik ay tumayo na ako sa harap niya. Iniabot ko sa kanya ang kamay ko. Nung una ay tinitigan lamang niya ito ngunit sa huli ay kinuha din.
"Maligo tayo, ang lamig ng tubig" Inalalayan ko siya patungo sa medyo malalim na parte.
Nang mga oras na iyon ay inenjoy lang namin ang tubig na nanggagaling sa falls. Nawala ang mabigat na tensyon kanina. Nakita kong nag eenjoy na si Vivien sa paliligo. Sana mga oras na to ay hinihiling kong sana hindi na matapos pa ito.
Pauwi na kami ngayon. Nasa daan kami ng biglang umulan. Madilim na rin kaya nagdadahan dahan ako sa pag mamaneho. Pareho pa kaming basa ang buhok dahil sa paliligo kanina.
Nakapagpalit naman kami ni Vivien ng damit dahil may extra akong mga damit sa sasakyan. Ngunit hindi ang panloob kaya ramdam ko pa rin ang lamig.
Nang matraffic ay nilingon ko si Vivien na nakasandal sa bintana ng sasakyan ko. Nakapikit na ito habang naka yakap sa maliit na unan ng sasakyan ko.
Napaka amo ng mukha niya. Hindi ko maiwasang tignan ang bawat parte ng kanyang mukha. Parang kinakabisado ko ang bawat parte nito.
Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon na alagaan siya ay hindi ko hahayaang masaktan siya. Iingatan ko siya na parang isang babasaging bagay.
Nakatulog na si Vivien sa Byahe kaya ng makarating na kami sa tapat ng bahay nila ay ginising ko pa siya. Ayoko sanang gisingin siya dahil mukhang mahimbing tulog niya.
"Vivien, andito na tayo" Mahina ko siyang tinapik sa balikat.
Nagising din naman siya kaagad. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at bumama.
"Maligo ka ng maligamgam na tubig ha? Bago ka matulog ulit" Paalala ko pa sa kanya.
"Hmm. Salamat" Isinarado na siya ang pinto ng aking sasakyan at saka pumasok sa kanilang gate.
Ilang minuto pa bago ako dumiterso pauwi sa amin.
Nang matapos nakong maligo ay nahiga na ako sa kama ko. Tinignan ko ang aking telepono upang itext si Vivien. Madami doon mensahe galing sa mga kaibigan namin.
Troy:
Hoy! Saan kayo pupunta?
Hoy! Nasaan kayo?
Tyron! Nasan na kayo? Baka gusto mong mag reply?
Cris:
Tol, balita?
Inis na inis nga pala si Abby
Tinatanong ni Abby kung anong meron sa inyo ni Vivien, ano nga ba? :D
Hoy Tyron! Saan ba kayo nakarating ha?
Abby:
Let's talk, please :(
Hindi ko na tinuloy pa ang pagbabasa dahil masisira lang ang gabi ko. Pinindot ko ang pangalan ni Vivien at nagtipa ng mensahe.
Me:
Vivien, tulog kana?
See you tomorrow, Goodnight!
Pagkatapos mag intay ng ilang sandali ay nakatulog na ako. Nakatulog ako ng mahimbing dahil na rin siguro sa pagod.
YOU ARE READING
Wrong timing
Teen FictionMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...