Chapter 1
Wrong Timing 1: "Wrong timing talaga kahit kailan tong kapatid ko."
"Wag ka ngang makulit, Tanya" inis kong usal sa aking nakababatang kapatid. Umagang umaga ay walang ginawa kundi kulitin ako.
"Sige na naman kasi kuya! Isang beses lang naman eh tapos pag ayaw mo pa rin talaga edi don't." Pangungulit pa nya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pang ipilit sa akin yung bagay na alam nyang diko gusto or should I say tao na di ko gusto.
"Okay fine! Last na talaga to, Tanya ha? Wag mo na ulit akong iblind date sa mga kaibigan mo" nabuburyo kong sabi. Lagi nalang niya akong sinusubukan ipares sa mga kaibigan nyang may gusto sa akin, siguro ay dahil hindi sya makatanggi sa mga ito sa tuwing hihingi ng pabor na makadate ako.
"Yay! Thanks bro! You the best!" Napapapalakpak pa nitong sabi. "Basta sa Sunday ha? Don't be late... and also be good to Ariel" pahabol pa nito bago tuluyang umalis.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala kong magkikita nga pala kami ng mga kaibigan ko sa Linggo. hayyy bahala na nga. Pagkatapos talaga ng kalokohang ito ni Tanya di ko na ulit sya pag bibigyan.
Lumabas na ako ng bahay pag katapos kong kumain ng agahan upang makapasok na sa eskwelahan, nauna nang umalis sa akin si Tanya marahil ay excited sa ibabalita sa kanyang kaibigan.
Pagkadating ko palang sa parking ng pinapasukan kong university ay nakita ko na agad si Troy, ang aking kaibigan na bumababa ng kanyang sasakyan. "Troy!" Tawag ko sa kanya.
"Tyron! Ano sa Sunday ha? Wag kang mawawala madaming chicks don!" Paalala nya sa akin ng lakad namin sa Lingo. Agad akong nanlumo ng maalala ko nanaman ang ipinangako ko sa aking kapatid.
"Tol, mukhang di ako makakasama" naiiling na sagot ko sa kanya.
"Nagbibiro kaba? Hindi mo pwedeng mamiss yon. Teka! Wag mong sabihin na nabudol ka nanaman ni Tanya?" Nagtatawag tanong nito. "Wala ka talagang laban sa kakulitan ng kapatid mo ano?" Ngingisi ngisi pa ang gago.
Napailing nalang ako. Wrong timing talaga kahit kailan tong kapatid ko.
YOU ARE READING
Wrong timing
Dla nastolatkówMay mga bagay o tao na bigla nalang darating sa buhay natin ng di natin inaasahan. Isang bagay o tao na magpapabago hindi lang ng buhay natin kundi ng mga pananawa natin sa buhay. Mga bagay at taong nag iiwan ng marka sa buhay natin. May mga umaalis...